^

PSN Showbiz

Dr. Calayan nakisakay sa intriga kina Belo/Abunda

- SEEN SCENE -

SEEN : Sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ang mga guest speaker sa Living Our Values Everyday o L.O.V.E. Ang L.O.V.E. ang praise at worship na ginanap kagabi sa Rehearsal room ng GMA 7. Imbitado ang mga empleyado ng GMA 7.

SCENE : Ang depensa ni Dra. Vicki Belo na walang malisya ang kanyang controversial one-liner na nakapagpaiyak kay Boy Abunda. Ang ibang tao lamang daw ang naglagay ng malice sa kanyang sinabi na “If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan but if you want to look like Dingdong or Piolo, come to Belo.

SEEN : Ang pagtatanggol ni Dr. Calayan kay Boy Abunda laban sa kontrobersyal na pahayag ni Dra. Belo.

Nakakita si Dr. Calayan ng butas upang makasali siya sa isyu.

SCENE : Ang succesful premiere night sa SM Megamall ng You Changed My Life noong Martes ng gabi. Maingay ang audience na kinilig sa mga romantic scene nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Pinilahan sa takilya ang pelikula nang magbukas ito kahapon sa mga sinehan.

 SEEN : May Facebook account ang The Echo ni Yam Laranas.

Hindi pa tiyak kung kailan maipalalabas sa mga sinehan sa North America ang English version ng Sigaw na first Hollywood film ni Iza Calzado.

Natatakot ang mga supporter ng Filipino director na maging straight to video ang pelikula na pinaghirapan niya.

SCENE : Hindi pinatulan ng staff ng isang ma­gazine ang honorarium fee na hinihingi ni BB Gandanghari.

No choice si BB dahil itinuloy pa rin nito ang fashion pictorial nang mapagtanto niya na walang balak ang magazine na bayaran siya ng honorarium.

SEEN : Reporter ng SNN ang aspiring TV host na si Cheska Litton. Kulang siya sa karanasan.

Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga report.

Kailangan niyang humingi ng pointers mula kina Boy Abunda at Kris Aquino.

SCENE : Mahusay si Mikee Cojuangco sa You Changed My Life. Dapat na maging aktibo na siya sa paggawa ng pelikula o paglabas sa TV. Sayang ang kanyang talento.

vuukle comment

ANTHONY PANGILINAN

BELO

BOY ABUNDA

CHESKA LITTON

DR. CALAYAN

DRA

IZA CALZADO

JOHN LLOYD CRUZ

KRIS AQUINO

YOU CHANGED MY LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with