^

PSN Showbiz

Under observation sa ICU: John Nite na-stroke

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Masyado kasing masipag ang pamangkin kong si John Nite, walang tinatanggihang trabaho. Pero ganito rin naman ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito, sobrang masipag.

Na-stroke si John at under observation sa ICU ng Makati Medical Center. Nagkaro’n siya ng bleeding at mabuti na lamang at naagapan agad. Hopefully, hindi siya masyadong ma-damage at maka-recover agad. At sana next time, maghinay-hinay na siya.

* * *

Impressed na impressed si Robin Padilla sa launching na ginawa ng GMA 7 para sa kanyang bagong seryeng Totoy Bato. Hindi lamang siya nagulat, napabilib pa siya ng husto. Maski na ang creator na si Carlo J. Caparas ay humanga dahil parang naging isang malaking pelikula na ito at hindi basta isang serye lamang.

Paano nga naman makakalaban pa ang mga maliliit na movie producers?

* * *

Nalungkot naman ako sa sunud-sunod na pagkamatay ng ilang artista natin. Tulad ni Cris Daluz, na naging isang masipag na miyembro ng board noong ako’y pangulo ng Katipunan ng mga Artista o Actors’ Guild.

Namayapa na rin sina Berting Labra na matatandaan ng marami dahilan sa kanyang mga ginampanang papel tulad ni Roberto Gonzales na naging hari ng karate nung kanyang kapanahunan. Malaki rin ang naging ambag ng tatlo sa industriya ng pelikula. Nakikiramay ako sa kanilang mga naiwan at sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

* * *

Malaki na rin pala ang kinikita sa takilya ng When I Met U. I’m sure inabot din ng tensyon ang mga tao sa kabila ng pelikula dahil nang mag-open ito sa mga sinehan ay hindi pa nagsusweldo ang mga tao, wala pang pera.

Ang nakakapagtaka, merong mga hindi natuwa at ito ay ipinaramdam nila sa kanilang mga sinulat.

Bakit gano’n, sa halip na i-wish nilang magtagumpay ang movie ay parang gusto pa nilang mag-flop ito? Ano ba naman silang klaseng tao?

Buti na lang bumawi ang pelikula, tinao rin ito, siguro kumalat na ang balitang magandang pelikula ito, nagdagsaan na ang mga manonood. Hindi na masama ang kitang P11M sa opening day nito. ’Di, ba, Mother Lily (Monteverde)?

vuukle comment

BERTING LABRA

CARLO J

CRIS DALUZ

JOHN NITE

MAKATI MEDICAL CENTER

MALAKI

MOTHER LILY

ROBERTO GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with