^

PSN Showbiz

Direk Lino 'di feel pag-usapan si Richard

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ayaw sabihin ni Pops Fernandez kung topless siya sa tarpaulin ng Philosophy by Mikaela at bahala na raw ang imagination ng tao kung ahas lang ang nakatakip sa kanyang boobs. Ang ahas na madulas, mabigat at malansa raw.

Ang non-invasive slimming services ang ini-endorse ni Pops.

‘Pansin lang namin, magkaiba ang pahayag nina Pops at Jomari Yllana sa repeat ng Missing You concert nina Pops at Martin Nievera. Sabi ni Jom, may repeat ang concert sometimes in March, sabi naman ni Pops, mahirap magka-repeat dahil maraming moment sa show na hindi na puwedeng maulit. Pero, si Jomari at ang Fearless Promotions pa rin ang masusunod!

* * *

Aksidenteng nakita namin si direk Lino Cayetano sa isang resto sa may Tomas Morato. Nagpagupit si direk na bumagay sa kanya at ibinalitang kababalik lang niya last January from New York. Tsinika rin nitong nakipag-meeting na siya kay Malou Santos at makikipag-meeting kay Cory Vidanes para sa ididirek niyang show sa ABS-CBN.

Matagal bago sumagot si direk Lino sa tanong kung may communication pa sila ni KC Concepcion at “oo” lang ang sagot nito at okey naman sila ni Bianca Gonzales. Dahil mukhang hindi comfortable sa personal questions, hindi na namin ito pinag-react sa sinabi ni Richard Gutierrez na hindi ito naniwala sa tsismis na nag-date sila ni KC.

Manonood si direk Lino ng When I Met U nina KC at Richard at masaya siyang nahawakan ang ex-girlfriend ni direk Joel Lamangan na isa sa magaling na director ng bansa. Wish nitong iba pang master in directing ang maging director ni KC.

* * *

Matutuwa ang fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na nagre-request na mapanood sila sa S.O.P. dahil starting today, seven Sundays silang mapapa­nood sa show. Magho-host, sasayaw at kakanta sila at magpo-promote na rin ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Isasabay na rin ni Marian i-promote ang single niyang Sabay-Sabay Tayo  na marami ang nagkakagusto dahil madaling sabayan kantahin at isayaw.

Bukod sa paglabas sa S.O.P., may live chat ang dalawa sa February 19, 2-4 p.m. sa pag-aayos ng NMI. 

* * *

Nakakapag-taping pa rin si Rich Asuncion ng Bulong ng Puso para sa Dear Friend  kahit pasok siya sa contestants ng Bb. Pilipinas. No less than the Bb. Pilipinas-Universe ang pinupuntirya ni Rich at suportado siya ng co-talents niya sa GMA Artist Center.

vuukle comment

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

ARTIST CENTER

BIANCA GONZALES

CORY VIDANES

DEAR FRIEND

DINGDONG DANTES

FEARLESS PROMOTIONS

JOEL LAMANGAN

JOMARI YLLANA

LINO CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with