^

PSN Showbiz

Glaiza kinikilig kay Patrick pero 'di manliligaw

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May nag-forward sa isang reporter ng picture ni Ara Mina at ng non-showbiz boyfriend nito habang nasa Hong Kong ang dalawa. Camera ng cellphone lang ang ginamit nang kumuha ng picture, pero malinaw ang litrato ng actress at ng BF.

Slim, maputi at mas matangkad sa kanya ang nakita naming picture ng BF ni Ara sa cellphone. Malalapit na kaibigan palang ng actress ang nakakakilala sa nob­yo at kahit si Cristine Reyes, ayaw pangunahan ang kapatid sa pag­bang­git sa pangalan ng lalaki.

Tama kaya ang tsika sa aming sa isang five-star hotel konektado ang lalaki? Kung dadalo sa presscon ng Totoy Bato kung saan kasama si Ara, matatanong siya tungkol sa kanyang BF.

* * *

Minsan naming nasulat dito sa PSN na hindi na matutuloy magsama sa TV remake ng Do-Re-Mi sina Yasmien Kurdi at Ka­trina Halili dahil papalitan daw ang huli ni Rhian Ramos na ikina-disappoint ng mga fans ng sexy actress dahil gusto naman nila itong mapanood sa isang wholesome project, yung hindi siya magpapa-sexy at walang kissing scene.

Tutuparin ng Dear Friend ang dream ng mga fans ni Katrina na mapanood siyang iba ang ginagawa at kasama pa rin si Yasmien dahil silang dalawa ang gusto ni Rams David, PUM ng Sunday series na magbida sa next story ng DF after Bulong ng Puso. Wala pang mapili si Rams na puwedeng ipareha sa dalawa, pero may magandang sugges­tion ang ilang reporter kung sino ang bagay sa ka­nila. Ang Dear Friend ang next project ni Katrina after Gagambino.

Matagal nang hindi nai-interview si Katrina, hindi tuloy nakukumusta sa kanya kung matutuloy pa ang remake ng Miss X dahil nang tanungin si direk Gil Portes tungkol dito, parang nagpasubali siyang baka mapalitan si Katrina ng ibang actress na magbibida sa movie. Dala pa rin ba ito ng kontrobersyang kinasangkutan ng actress at ni Dr. Hayden Kho?

* * *

Hindi date ang tawag ni Glaiza de Castro sa paglabas-labas nila ni Patrick Garcia dahil hindi nanliligaw sa kanya ang actor. Hindi rin dalaw ang tawag nito ’pag pumupunta sa bahay nila ang actor, kundi bumibisita lang (ano kaya ang kaibihan noon?). Parehong nagsasama sila ng kani-kanyang mga kaibigan ’pag lumalabas bilang chaperone.

Inaming kinikilig siya sa pagkaka-link kay Patrick, pero hindi raw ibig sabihin na gusto na niya ang actor. Hindi rin naniniwala si Glaiza sa mga tsismis sa actor hangga’t hindi niya nakikita. Cool, funny at malalim ang mga nagustuhan ni Glaiza sa actor.

Samantala, pinatay na sa Gagambino ang character ni Glaiza at naghihitay siya ng bagong project. Pasalamat ito na ni-renew for another year ng Facial Plus ang kanyang kontrata bilang endorser dahil may trabaho at income pa rin siya kahit walang regular show.

* * *

Sa Gagambino (GMA 7), nalagay sa peligro ang buhay ni Divina (Jean Garcia) sa pagsugod sa kuta ni Harold (Polo Ravales). Naisip ni Gelay (Jennica Garcia) na kailangan pa rin niya ang ina, kaya gagamutin niya si Divina at magkakasundo na ang mag-ina.

Samantala, para makaganti, ibabaon ni Armand (Zoren Legaspi) ng buhay si Rebecca (Glydel Mercado). Bihag na ni Celine (Nadine Samonte) si Lucy (Katrina Halili) at papipiliin nito si Bino (Dennis Trillo) kung mamatay o sasama sa kanya.

vuukle comment

ANG DEAR FRIEND

ARA MINA

CRISTINE REYES

DEAR FRIEND

DENNIS TRILLO

DIVINA

FACIAL PLUS

GAGAMBINO

GLAIZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with