^

PSN Showbiz

Presidentiable walang pambayad sa ads?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Bukod sa pagiging pop icons, puwede ring tawaging samahan ng mga walang dyowa sa Valentine sina Piolo Pascual, Sam Milby, Christian Bautista, Erik Santos and Mark Bautista. Wala lahat silang girlfriend kaya say ni Piolo, ang mga Cebuano na lang ang makaka-date nila dahil may concert sila sa Araw ng mga Puso sa Waterfront Cebu. Mauuna kasing mapanood ang Pop Icons na produced ng ASAP Live at Sunday Night Productions na pag-aari nilang lima sa Cebu.

Si Piolo, wanted pa rin ang babaeng gustong makasama sa habang buhay. Si Sam, kakahiwalay lang kay Anne Curtis; si Christian, may ibang boyfriend na ang ex-dyowang si Rachelle Ann Go, si Erik walang girlfriend na kinukuwento after Rufa Mae Quinto at si Mark, lalong walang nababalitang girlfriend at si Sarah Geronimo lang ang madalas niyang banggitin ang pangalan na gusto niya pero never naman niyang naging girlfriend.

After Valentine pa ang concert nila sa Araneta Coliseum na ididirek ni Rowell Santiago at si Louie Ocampo ang musical director.

Si Piolo siyempre ang pinakasikat at pinaka-mayaman sa grupo pero supportive siya sa apat niyang kaibigan. Siya rin naman kasi ang tumatayong lider. At hindi man siguro niya sabihin, malamang na siya ang may pinaka-malaking puhunan.

Tribute sa icons ang kasama sa concept ng concert nilang lima na lahat napapanood sa ASAP. Pero kuwento ni Piolo, hindi napapanood sa ASAP ang gagawin nila sa concert.

Anyway, bukod sa magkakasama sila sa ASAP, magkakaibigan sila at magkakasama sa congregation na si Piolo ang tumatayong Pastor sa Victory Fellowship at tuwing Linggo ng gabi ang kanilang fellowship kaya nabuo ang grupo nilang Sunday Night Productions. Kaya naman kilala na nila ang isa’t isa.

Actually, si Erik ang mukhang talagang clown ng grupo. Lahat sila, mukhang naaaliw sa singer na willing mag-topless nang may magtanong kung magpapa-sexy sila sa concert.

Kahit nga si Piolo, si Erik ang choice na kumanta sa kanyang kasal. 

* * *

Akala ko ba maraming datung ang isang pulitikong nag-aambisyong mag-presidente? Eh bakit nagsisimula pa lang, parang nagkaka-problema na siya. Aba wala raw itong pambayad sa kanyang mga ad kaya madalas daw hindi matuloy ang kanyang mga ad campaign.

Last minute daw kung magpa-cancel ng ad ang grupo ng nasabing presidentiable.

Hmmm, alam kaya ito ni Mr. Presidentiable?

Baka naman mga staff niya lang ang nakaalam tungkol dito ha?

* * *

Nadadalas pala ang pagkikita nina Karylle at Dingdong Dantes. Yup, sa katunayan, weird nga ang pakiramdam ni Karylle dahil minsan isang madaling araw, mga alas-3:00 ng umaga, nakita niya sa highway ang kotse ni Dingdong.

Minsan naman, magkatabi pa sila sa isang event na ayaw niyang banggitin kung saan.

Actually, mga ilang beses na rin silang nagkita after ng kanilang kontrobersiyal na hiwalayan ng aktor na ngayon ay hindi na lihim ang relasyon sa kanyang ka-loveteam na si Marian Rivera. “Hindi ko nga alam kung bakit eh. By accident lang naman. Weird lang talaga. Sa Pacquiao (laban ni Pacman at Dela Hoya sa Las Vegas kung saan siya ang kumanta ng Lupang Hinirang), thrice kaming nagkita,” sabi ni Karylle na isang taon pala ang pinirmahang kontrata sa ABS-CBN.

Actually, feeling niya, ready na talaga siya kaya napagkiki-kita niya ang ex, kuwento ni Karylle nang maka-tsikahan namin kahapon sa lunch na pinatawag ni Wilson Lee Flores, editor-in-chief ng S Magazine.

Wala nang bakas ng sakit sa nangyari sa kanila ng aktor.

Eh si Marian nagkita na ba sila? “Hindi pa. Di ba ganun naman ‘yun, kung magkikita talaga kami, siguro hindi pa ready para kami magkita,” sabi ng anak ni ZsaZsa Padilla na kaya na ngayong makipag-biruan kay Dolphy pero hindi pa niya alam kung anong itatawag niya dahil nahihiya pa rin siya.

 Pero aminado si Karylle na hindi pa ready na ma-in love uli pero marami raw nagpaparamdam na mga young businessman.

vuukle comment

AFTER VALENTINE

ANNE CURTIS

ERIK

KARYLLE

NIYA

PIOLO

SI PIOLO

SUNDAY NIGHT PRODUCTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with