^

PSN Showbiz

Paniniko ni Angel kay Luis huling-huli

-

Maraming nakapansin na nanonood ng TV Patrol the other night na siniko ni Angel Locsin si Luis Manzano sa isang event ng Avon.

Kitang-kita sa TV ang paniniko ni Angel. Muk­hang nagbibiruan naman sila pero, sana wa­lang sikuhan lalo na nga’t alam naman ni Angel na may nakasunod sa kanilang camera.

Ang impression tuloy ng marami, mukhang under ni Angel si Luis. Halata rin na sobra ang pag­mamahal ni Luis sa aktres na nabalitang nag-split sa gitna ng kasagsagan ng promo ng Love Me Again. Pero after the showing, okey na raw uli sila.

* * *

Boring ang showbiz ngayon. Walang balita. Pero siguradong may pagpipiyestahan ang ilan kung lalabas ang nababalitang tungkol sa ‘something’ ng dalawang aktor. Matagal nang may issue sa dalawa, pero siyempre walang puwedeng magsabi tungkol dito dahil masyadong delikado. Nakakatakot mademanda.

Anyway, basta abangan ninyo ang kuwento tungkol dito dahil magli-leak din naman ito.

* * *

Hoy tigilan na nga ng mga fan nina Kristine Hermosa at TJ Trinidad ang ilusyon na magsa­sama pa sila sa isang project. Wala pa ring tigil sa kaka-e mail ang fans ng dalawa at nag-aapela na sana ay mabigyan na ng project na magkasama sina Kristine at TJ sa ABS-CBN. Nasa GMA 7 na si TJ at katunayan, ka­sama na siya sa Zorro ni Richard Gutierrez kaya sa ngayon, malabo na talaga silang mag­ka­sama.

* * *

Buking na sa showbiz ang pagpapanggap ng isang kilalang personalidad na nagre-regalo ng mga mamahaling bag na peke naman pala. Nung minsan ay pinag-usapan na naman ang nasa­bing personalidad dahil kahit tapos na ang Pasko, pinagkakatuwaan pa ring pag-usapan sa umpukan ang mga natanggap nilang regalo kaya pasok sa usapan ang personalidad na ito. Ultimo raw sa bossing ng isang network ay fake na ma­mahaling bag ang ibinigay nito na ewan naman kung nadiskubreng fake. Basta hindi mo aakalain na magre-regalo siya ng fake ha.

Siguro naman. ‘Di na lang siguro kumikibo ang binigyan.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

AVON

KRISTINE HERMOSA

LOVE ME AGAIN

LUIS

LUIS MANZANO

NAMAN

PERO

RICHARD GUTIERREZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with