Ogie Alcasid musical, may pa-audition!

Mag-uumpisa na ang audition para sa Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical.
Ito nga ang magbubukas sa theater season ng 2027 sa Newport World Resorts.
Kaya nag-iimbita sila sa mga performer, anuman ang kasarian o pinagmulan, na may edad 18 pataas na sumali sa audition.
Gaganapin ang unang round ng mga audition sa Nov. 24 sa PETA Theater Center.
Ang mga callback naman ay naka-schedule sa Nobyembre 28 sa Newport Performing Arts Theater.

Kinakailangan umanong magparehistro ang mga applicant gamit ang audition form na matatagpuan sa https://bit.ly/kailangankitaauditions at maghanda ng isang song mula sa mga pagpipiliang ibinigay.
Magtatapos ang registration sa Nov. 20, 5 p.m., o mas maaga pa kung mapupuno na ang mga nakalaang slot para sa audition.
Ipinaalala nila na hindi sila tatanggap ng mga walk-in, ang mga nakapagparehistro lamang daw ang maaaring mag-audition.
Naghahanap ang produksyon ng mga gaganap sa iba’t ibang papel, kabilang sina: Bruno, ang cool na ninong ni Himig; sina Rihanna at Adele, na kaedad ni Himig; si Justin, isang charming pero may lalim na binata; at si Mr. Montecalvario, isang mayaman at makulay na personalidad na producer.
Naghahanap din ang produksyon ng mga miyembro ng ensemble na gaganap na bubuo sa isang komunidad, paaralan, at sa kasalukuyang Maynila.
Anyway, susundan ang kuwento ng Kailangan Kita ni Roger Kundirana, a once-popular singer-songwriter na tinalikuran ang musika na gusto rin niyang ipagawa sa kanyang anak na si Himig.
Naniniwala siyang ang buhay sa musika ay hindi nagbibigay ng seguridad o kinabukasan.
Ngunit nang makilala niya si Arlene, ang guro sa musika ni Himig, unti-unting bumalik ang posibilidad na muling lumikha at mangarap.
Habang binabalikan ni Roger sa kanyang isipan ang buhay na kanyang iniwan, isang banta—ang inaasahang malakas na lindol na tinatawag na “The Big One”—ang nakabalot sa lungsod.
Kasabay nito, may isa pang dumating na yumanig sa pundasyong kinatatayuan nina Roger at Himig, na nagtulak sa kanilang harapin ang mga bagay na sinikap nilang protektahan—at ang mga bagay na maaaring kailangan na nilang pakawalan.
Sa pamamagitan ng mga kanta ni Ogie, tinatalakay ng Kailangan Kita ang mga pangarap, pagiging magulang, at ang complicated ways love moves between generations.
Nakaplano ang mga ensayo mula Pebrero hanggang Abril 2027, Lunes hanggang Biyernes, mula 4 p.m. hanggang 10 p.m. Ang tech week naman ay nakatakda mula 2 p.m. hanggang 10 p.m.
Ang mga pagtatanghal ay tuwing Biyernes hanggang Linggo sa buwan ng Mayo at Hunyo 2027 sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts, Pasay City, na may posibilidad pa umanong mapahaba ang takbo o magkaroon ng mga karagdagang palabas.
Dapat din daw tiyakin ng mga aplikante na sila ay bakante at makakadalo sa panahon ng mga ensayo at pagtatanghal bago magparehistro.
Through Alcasid’s songs, Kailangan Kita explores dreams, parenthood, and the complicated ways love moves between generations.
Kailangan Kita: An Ogie Alcasid Musical is a production of Newport World Resorts, in association with ATeam, VIVA Communications, and The Philippine STAR. Further announcements on ticketing and additional production details will follow.
Anyway, mag-audition kaya si Sofronio Vasquez na nauna nang nagsabi na handa siyang mag-audition dahil kasama raw sa dream project niya ang gumawa ng musical play. “I really wanted to do musical.
“Actually, I told Sir Ogie (Alcasid) that I wanna audition for Kailangan Kita,” pag-amin niya sa amin, sa intimate presscon para sa ginanap niyang solo concert noong Nov. 7, Sofronio Vasquez : Live In Concert sa Rockwell Proscenium, Makati.
“Of course I’m willing to audition. I’m willing to do everything. Ayoko naman nung ipi-pitch lang sa akin, wanna do it the hard way.”
Hindi naman aniya first time if ever na mag-audition siya sa Kailangan Kita... dahil nakapag-audition na siya sa ibang musical pero laging hindi raw natutuloy dahil for almost two years ay hectic ang schedule niya.
Wala namang sinasabi ang isa pang magaling na singer na si Poppert Bernadas kung kasama na siya sa cast o kung mag-o-audition pa siya.
Si Poppert ang isa sa nagpa-sample sa annoucement ng Kailangan Kita noong closing show ng Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
- Latest




















