^

PSN Showbiz

Rufa Mae gusto nang mag-asawa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ready na si Rufa Mae Quinto na iwan ang career at harapin ang pag-aasawa. Financially, physically and emotionally. Marami na siyang ipon na sasapat para hindi na siya humingi sa kanyang mapa­pangasawa kahit sabihin pang mayaman ito. Physically, pahinga na siya sa tsurbahan at emotionally, alam na niya ang responsibilidad ng isang ginang oras na magpakasal siya.

“Ready na ang sarili ko para sa magiging asawa ko. Nagawa ko na lahat ng gusto ko. Nasunod ko na ‘yung mga luho ko, na-experience ko na ang mga gusto ko.

“Lahat ginawa ko para makaipon para sa future ko. Lahat ng lait, tinanggap ko para kumita,” sabi ni Rufa Mae na dumating na sa puntong gusto niya nang magkapamilya.

Kahit hindi dream boy ang mapangasawa niya, tanggap na niya “gusto ko may attraction ako, ipagmamalaki at ipaglalaban ako. Galing ako sa broken family. At gusto ko naman buo ang magiging pamilya ko,” sabi ng aktres kahapon sa presscon ng Status: Single under Viva Films.

Aalagaan niya raw ang magiging asawa niya at kung kinakailangan iwan ang career, gagawin niya. “I’ll do everything. Pero dapat aalagan niya ako at ang pamilya ko,” pahabol ng sexy actress na nagi-enjoy pa sa pagiging single kahit 30 years old.

Pero hangga’t walang dumarating na puwede, kuntento na muna siya sa pag-iisa pero aminadong madalas niyang kasa-kasama lately sina Jon Avila at Mark Bautista na parehong kasama niya sa Single.

Anyway, kaya na ring ikuwento ni Rufa Mae ang naging ending ng relasyon nila ng basketball player na si Rudy Hatfield na sobra raw siyang nasaktan, pero iwas na siyang mag-mention ng pangalan ni Dingdong Avanzado baka raw maging issue na naman.

Inamin din niyang nagkaroon sila ng something ni Alfred Vargas pero hindi nagtagal dahil hindi puwede. “Sino ba namang hindi magkakagusto kay Alfred, edukado, guwapo, mahirap tanggihan,” sabi niya.

Nakaalis na pala kami nang pag-usapan ang tungkol kay Dr. Hayden Kho. Pero naiiyak na lang daw ito pag pinag-uusapan ang issue. “Bagong taon na, hindi na ako iiyak,” sabi ng sexy actress.

* * *

Game pala sa kantahan si Jomari Yllana. Aba nang tawagin siyang kumanta sa birthday party ng GMA 7 Executive na si Ms. Redgie Magno the other night sa Poolside ng Imperial Suites, game ang actor na ‘concert king’ pala ang bagong title.

Binanatan niya agad ang Just The Way You Are. Katabi namin sa table si Tito Douglas Quijano, manager ni Jomari at siya ang nag­kuwento na maganda talaga ang boses ni Jomari noon, nasira lang sa sigarilyo.

“Member siya dati ng Ateneo Voice Choir,” tsika ni Tito Dougs na nagi-enjoy ngayon sa kanyang bagong bahay sa Lucban, Quezon.

At hindi lang isang kanta ang binanatan ni Jomari, nakailang kanta rin ito.

Ay nabanggit nga pala ni Tito Douglas na hindi pa preggy si Lucy Torres.

Samantala, hindi lang si Jomari ang nag-enjoy sa kantahan sa nasabing party ni Ms. Redgie. Kahit sina Sen. Jinggoy Estrada, Richard Gomez, John Estrada (kasama ang girlfriend niyang si Priscilla na super ganda pala nang dumating). Si Tirso Cruz III kasama ang anak niyang si Bodie at daughter, si Ricky Davao na maaasahan sa pagkanta sa tuwing may birthday celebration sa Wednesday Club.

Dumating din sa party ni Ms. Redgie sina Eddie Garcia, Tita Annabelle Rama, Anjo Yllana kasama ang kanyang asawang si Jackie Manzano, si Karla Estrada na ang running joke ay hoping na magkaka-show sa GMA 7 kaya hataw sa kanta. Meron kasing piyanesta kaya maraming naaliw kumanta.

Naki-join din sa party ang ibang GMA 7 executives, Mother Lily Monteverde, Ms. Malou Choa-Fagar, Direk Mario delos Reyes at marami pang iba.

Happy birthday Ms. Redgs. Cheers.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANJO YLLANA

ATENEO VOICE CHOIR

DINGDONG AVANZADO

JOMARI

MS. REDGIE

NIYA

PERO

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with