^

PSN Showbiz

Final na: Juday at Ryan pakakasal sa May

- SEEN SCENE -

Seen:  Si Edu Manzano sa Game KNB. Hindi totoo ang balita na nag-resign siya bilang host ng game show ng ABS-CBN.

Scene:  Ang  kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa May 2009. Out-of-town ang kanilang  planned wedding. Very private at simple wedding ang nais nina Juday at Ryan.

Seen: Ang show ng Golden Divas sa resto bar na pag-aari ni Pilita Corrales. Masigla na uli ang singing career nina Pilita, Carmen Soriano at Carmen Pateña. Idea ni Boss Vic Del Rosario na ipag-produce ng concert ang mga beteranang singer.

Scene:  Showing sa Cinema 6 ng Powerplant Mall ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Wala ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat sa mga sinehan ng Powerplant Mall nang mag-umpisa ang 2008 Metro Manila Film Festival. Hindi nabunot ng representative ng  Powerplant Mall ang pelikula na ipinrodyus ng Star Cinema. Sister company ng Powerplant Mall ang Star Cinema.

Seen: Ang nude photos nina Marco Morales at Gwen Garci na kuha  sa mga eksena ng Butas. Isang bold movie na nagpapanggap na indie movie ang Butas.

Scene: Wala ng  hate mails si Rhian Ramos. Huminto ang pag-circulate ng hate mails sa Internet mula nang maging busy si Rhian sa taping ng La Lola.

Seen: Ang true showbiz news na ipinadadala sa mga entertainment reporter ng anonymous sender. Maaanghang ang mga showbiz news na natatanggap mula sa cellphone number 0908-2188053.

Scene: Hindi pa maaaring bumalik sa Amerika si Ciara Sotto. Bigla siyang umuwi ng Pilipinas at nakaapekto ito sa processing ng kanyang green card. Malabong matuloy ang musical play na gagawin ni Ciara sa Las Vegas.

vuukle comment

ANG TANGING INA N

BUTAS

CARMEN PATE

CARMEN SORIANO

CIARA SOTTO

EDU MANZANO

GOLDEN DIVAS

POWERPLANT MALL

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with