Relasyong Dingdong-Karylle pwedeng magka-part 2?
Muntik na akong maging crying lady nang ipakita sa Startalk noong Sabado ang statement ni Dingdong Dantes.
Ang ganda ng mga siney ni Dingdong. Na-feel ko ang kanyang sincerity nang hingin niya ang pang-unawa ng mga tao. Nakakaiyak ang mga sinabi ni Dingdong.
Kung nanonood si Karylle ng mga oras na ’yon, baka napa-cry din siya sa mga sinabi ng kanyang ex-boyfriend.
Lalo akong humanga kay Dingdong. Napaka-gentleman ng approach niya sa mga pang-iintriga sa kanya. May breeding talaga si Dingdong.
Some good things never last talaga. Maraming milagro ang nangyayari. Malay natin, magkaroon ng part two ang relasyon nina Dingdong at Karylle. Mahirap magsalita ng tapos ’no?
* * *
Robert Villar ang name ng bagets na gumanap na Buboy sa Dyesebel. Ito ang sagot ko sa reader na si Menandro Dela Cruz na nagtanong sa akin sa tunay na pangalan ni Buboy.
Hindi kamag-anak ni Senate President Manny Villar si Buboy pero kasama ang bagets sa TV ad ni Papa Manny nang kumandidato ito noon bilang senador. Bibong-bibo si Robert. Marunong siyang umarte kaya sunud-sunod ang project niya sa GMA 7.
* * *
Type ng mga fans ni Sarah Geronimo si Rayver Cruz dahil hindi ito gimikero. Itsurang siya ang natsitsismis na secret crush ni Sarah, tahimik lang si Rayver. Hindi siya katulad ng ibang artistang lalaki na nagsasamantala at biglang nagpapainterbyu para magkaroon ng libreng publicity.
Masuwerte ang magiging boyfriend ni Sarah dahil mabait ito at masunurin na anak. Pero siyempre, kailangan munang dumaan sila sa masusing mata ng madir ni Sarah. Masusi raw o! Mothers know best ’no!
* * *
Mamayang gabi ang big presscon ng Luna Mystica. Matutuwa ang mga fans ni Mark Anthony Fernandez dahil mapapanood uli siya sa TV.
Nagugulat ako sa mga feedback at email na natatanggap ko mula sa mga tagasubaybay ni Mark. Nalungkot sila nang matapos ang Ako si Kim Sam Soon. Mami-miss daw nila si Mark habang wala pa itong regular show.
Mag-rejoice na kayo dahil gabi-gabi nang mapapanood si Mark sa Luna Mystica. Siya ang leading man ni Heart Evangelista.
Ang ganda-ganda na talaga ng takbo ng career ni Mark. Dedma ang mga fans kahit may asawa at mga anak na siya. Forever na raw ang paghanga at pagsuporta nila sa kanilang idol.
* * *
Usung-uso ang kambal sa showbiz. Kambal ang ipinagbubuntis ni Nancy Castiglione. Kambal ang anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie at Jennifer Lopez at Marc Anthony sa Hollywood; sa local showbiz, kambal din ang kina Charlene Gonzales-Aga Muhlach; Carmina Villarroel-Zoren Legaspi; at Marvin Agustin.
Hindi na ako nagulat nang aminin ni Nancy na buntis siya. Kahit noong girlfriend pa siya ni Paolo Contis, dream na talaga ni Nancy ang ikasal at maging housewife.
Ayaw sabihin ni Nancy ang name ng tatay ng kanyang magiging mga anak pero pinangalanan na ito ng ibang mga reporters. Walang puwedeng ilihim sa showbiz press!
- Latest



















