^

PSN Showbiz

Actors sa bar nag-engkuwentro

-

Dalawang linggo na mula nang magkaengkuwentro ang dalawang actors sa isang bar, pero wala pa ring nagsusulat sa nangyari. Either inaalam pa ang tunay na nangyari o dine-dedma ng press ang isyung puwedeng lumaki.

Anyway, tinanong na si Actor A sa nangyari, pero “no comment” ang sagot nito. Lalong ayaw magsalita ni Actor B sa payo na rin ng mga taong malapit sa kanya. Pasasaan ba’t may makakaalam din sa isyung ito, may magsusulat at makikilala rin kung sino ang dalawang actors na nagkaroon ng conflict sa isang bar. 

* * *

Nakausap namin si Ryan Agoncillo nang mag-guest ito sa Entertainment Live last Saturday at inaming nenenerbyos siya sa premiere ng Pieta dahil hindi alam kung paano siya tatanggapin ng viewers. Nangilabot din siya sa sinabi ni direk Carlo J. Caparas na isinilang ang bagong action-drama actor sa katauhan niya at thankful sa vote of confidence sa kanya.

Hindi pinanood ni Ryan ang pelikulang Pieta bilang respeto sa ginawa ni Ace Vergel at para makaiwas na makopya ang acting nito. He’s playing it safe raw, kaya after the TV remake na niya panonoorin ang nasabing pelikula.

Samantala, ayaw pang mag-comment ni Ryan sa tsikang kasama siya sa movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa GMA Films at Regal Entertainment na may working title na Save the Best for Last dahil wala pa siyang go signal. Natuwa ito nang malamang si direk Joey Reyes ang nag-suggest sa kanya and if ever matuloy siya, okey sa kanya maka-triangle ng dalawa. This Monday ipi-present ang story at bukas, baka malaman na kung tuloy si Ryan.

* * *

Sa interview kay JC de Vera sa pictorial ng Emergency episode ng Shake, Rattle & Roll X , nakiusap ito kina Pauleen Luna at Michelle Madrigal na magbati na dahil pati siya, hindi tinitigilan ng press sa katata­nong kung may kinalaman sa matagal ng conflict ng dalawa.

Nakiusap din si JC na kung magbabati ang dalawa, ‘wag sa harap ng press sila magso-sorry sa isa’t isa para hindi maakusahang gumigimik. Ayaw sana nitong makialam, pero concerned siya kina Pauleen at Michelle na naging parte ng kanyang buhay.

Maganda rin kung magkakabati na ang dalawa’t magkasama sila sa Luna Mystica at magkaibigang diwata ang role na lagi pang magka-holding hands. Ang pangit naman kung magde-dedmahan sila at nag-uusap lang kung take nila.

Pasalamat naman si JC na wala silang problema ni Rhian Ramos sa Lalola at walang nagpi-pressure sa kanilang totohanan ang loveteam sa screen para sa ratings dahil mataas ang ratings ng show at ‘di nila kailangang magka-inlaban.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Lalola, this Monday, yayayain ni Lola (Rhian) si Gary (Keempee de Leon) na tingnan ang talon. Aksidenteng nabuksan ni Gary ang lagusan at makakaharap nila si Garganta na gagawin ang lahat na ireverse ang sumpa habang nandu’n si Lola para bumalik na ito sa pagiging lalake. (Nitz Miralles)

vuukle comment

ACE VERGEL

ACTOR A

ACTOR B

CARLO J

ENTERTAINMENT LIVE

JOEY REYES

KUNG

LALOLA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with