^

PSN Showbiz

Bubble Gang live magpapatawa

-

Bukas, makisaya at maki-celebrate kasama ang in­yong paboritong Friday night barkada sa isang anniversary special na pinamagatang The Best of Bubble Gang Live!

Sabay-sabay nating babalikan ang mga sikat at walang-kaparis na segments at karakter gaya ng Sexballs, MTB, Moymoy, atbp. sa isang masaya at bonggang live theatrical performance. Magsisimula ang palabas sa opening billboard ng Bubble Gang na gagawing live spoof ng mga theme songs ng ilan sa mga programa sa GMA 7.

Sa pangunguna nina Ogie Alcasid at Michael V., isa’t kalahating oras na magtatampok ng mga comic sketches at musical performances ang matutung­hayan kasama ang iba pang miyembro ng Bubble Gang.

Gagampanan ni Ogie na isa sa original cast ng show ang iba’t ibang nakakatuwang karakter sa Tuli Ala Binyag, Call Center, Di Tunay na Ampon, at Spoiled Brat bilang si Angelina na may inihandang production number. Magpapatawa naman si Michael V. sa Tetilio Tutuman, GMA at gayon din sa Spoiled Brat bilang yaya ni Angelina.

Di naman papadaig ang mga machong-machong miyembro ng Sexballs na sina Wendell Ramos, Antonio Aquitania kasama rin sina Ogie at Bitoy sa sariling version nila ng Vaklushie na iko-choreograph ng batikang dance master na si Douglas Nierras. Makikipag-duet naman si Bitoy kay Rey Valera sa MTB o Musik Tagalog Bersiyon.

Ang lip-synching duo naman ng Moymoy ay sasabak sa dance floor habang ang pamnansang bading na si Diego ay magpapakitang gilas sa isang Gay Production number. Isang sexing-sexy dance showdown naman ang inihanda ng Bubble Gang girls na sina Rufa Mae Quinto, Diana Zubiri, Francine Prieto at Maureen Larrazabal kasama ang Whiplash.

Kabilang din ang iba pang comedy segments na Mukhang Pera, isang gameshow na iho-host ni Allan K., Heart Attack at Bongbong. Makikisali naman sa celebration sina Heart Evangelista at Paolo Contis.

Mula sa direksyon ni Director Uro Dela Cruz at headwriter Caesar Cosme.

vuukle comment

ALLAN K

ANTONIO AQUITANIA

BEST OF BUBBLE GANG LIVE

BITOY

BUBBLE GANG

CAESAR COSME

CALL CENTER

DI TUNAY

MICHAEL V

SPOILED BRAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with