^

PSN Showbiz

Juday pinag-iisipan kung pipirma pa uli ng kontrata sa Dos

-

Hindi natuloy ang contract signing ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN kahapon. Siya mismo ang nagpa-postpone sa nasabing pirmahan ng kontrata sa pagitan niya at ng kanyang home studio. May mga kailangan daw kasi siyang pag-aralan dito at ikonsulta pa niya sa lawyer. Say ni Juday, marami raw considerations at siyempre dapat naka-stipulate sa contract ang mga gagawin niya in the future dahil alam na naman ng lahat na engaged na sila ni Ryan Agoncillo at puwedeng any moment ay magpakasal na sila.

Kaya nga gusto ng aktres sa lahat ng kontrata niya, nakalagay na oras na ikasal sila puwede siyang magbuntis. “Kawawa naman ang matris,” sabay tawa ni Juday na ibig sabihin ay hindi puwedeng maging hadlang ang career para magbuntis agad oras na ikasal na sila ni Ryan.

“Marami pang pag-uusapan sa kontrata, siyempre kailangan ko rin namang maintindihan. Dapat walang madehado sa amin,” sabi pa niya tungkol sa kontrata niyang pipirmahan sa ABS-CBN.

Pero ayaw niya raw mag-burn ng bridges - ABS-CBN and GMA 7 dahil sa ABS-CBN naman talaga nag-bloom ang career niya at malaki rin ang utang na loob niya sa GMA 7 sa mga tulong sa kanyang mga project sa tanong kung kino-consider niya na ngayon ang offer ng GMA 7 ngayon.

At lalo pang umugong ang usapan dahil na-delay na naman ang airing ng Humiling Ako Sa Langit, ang supposedly medical series niya sa ABS-CBN. Malamang daw na next year na ito ipalabas. Nurse ang role niya sa nasabing serye at maigi na rin daw ang nangyari dahil mas mapag-aaralan niya ang pagiging nurse.

May nagtanong din kay Juday kung kaya na ba niyang makatrabaho uli si Piolo Pascual. Sagot ni Juday, hindi pa panahon dahil malalim pa raw ang pinanggalingan ng sakit. “Ayoko namang magpaka-plastic habang nagtatrabaho,” sabi ni Juday sa victory party ng Kulam kahapon dahil umabot na pala sa halos P40 milyon ang kinita ng pelikula niya sa Regal simula nang magbukas ito sa mga sinehan last week. “Pero ayokong magsalita ng tapos, baka naman kainin ko lang ang mga sinabi ko,” paliwanag pa ni Juday.

Dahil hindi pa tuloy ang nasabing serye, bumalik sa pag-aaral ng culinary si Juday tungkol kay Piolo.

Dati na siyang nag-aral ng culinary at sa totoo lang magaling na siyang magluto. Pero kinakarir pa niya ang pagluluto.

Samantala, para mai-promote ang Ploning sa Amerika at ma-qualify sa foreign language category sa Oscars, magkakaroon sila ng fund-raising para sa pelikula. (Salve V. Asis)

vuukle comment

AMERIKA

ASIS

DAHIL

HUMILING AKO SA LANGIT

JUDAY

NIYA

PERO

PIOLO PASCUAL

RYAN AGONCILLO

SALVE V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with