^

PSN Showbiz

Aktres na may asawa umiikot ang puwet pag may guwapo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Mukhang tumitira as in nagdo-droga raw ang isang aktres kaya madalas na wala sa sarili. Kung anu-ano raw kasing sinasabi nito kahit may mga kaharap na ibang tao as in mukhang bangag.

May commitment na si aktres, pero pag nakakakita raw ng guwapo, umiikot ang puwet. Siya mismo ang nagsasabi na ang guwapo naman at gusto niyang makilala. Eh siyempre takot naman daw ang men na gusto niya dahil meron na nga siyang dyowa.

Minsan, meron daw itong napag-tripang men, aba imbes na ma-excite ang men, natakot dahil baka mapasubo raw siya.

“Kung normal ba naman siya, bakit naman niya gagawin ‘yun,” say ng source na witness sa pinaggaga-gawa ng aktres.

Hala, baka hindi pa ito nadi-diskubre ng kanyang dyowa.

Basta, andyan lang sa tabi-tabi si aktres.

* * *

Sayang at sinabayan ng kulog at malakas na malakas na ulan ang interview ng Startalk kay Mrs. Rose Flaminiano kahapon. Nagloko tuloy ang cable kaya ayun, hindi namin napanood.

Iilang bahagi lang ng interview niya ang napanood namin pero parang kakaibang Mrs. Flaminiano ang lumabas, parang cool na cool siya.

At habang on-going ang interview, lalo pang lumakas ang ulan with matching malakas na hangin.

Kaloka parang hindi nakiayon ang panahon.

Pero sayang, hindi namin napanood ang mga sagot niya sa mga sinabi ni Nadia Montenegro last week.

Mas bongga pa sa teleserye ang drama nila. Ang twist, bongga, pang libro.

Pero yung interview ni ‘Nay Lolit kay Jinkee Pacquiao naabutan ko pa na nagdi-deny na hindi naman si Ara Mina ang dahilan ng pag-uwi ng asawa niyang si Manny Pacquiao sa gitna ng training nito para sa laban nila ni Oscar dela Hoya. May koneksyon din kasi si Mrs. Flaminiano kay Jinkee.

vuukle comment

ARA MINA

IILANG

JINKEE

JINKEE PACQUIAO

MRS. FLAMINIANO

MRS. ROSE FLAMINIANO

NADIA MONTENEGRO

NAY LOLIT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with