^

PSN Showbiz

Sexy Actress lumaklak ng pabango

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nag-attempt ng suicide ang sexy actress na ito, pero hindi sa pamamagitan ng pag-o-overdose ng gamot o pag-inom ng pesticides. Sosyal ang hitad at Victoria’s Secret perfume ang nilaklak at ang katu­wiran, kahit mamatay siya’y mabango pa rin siya. Hindi yata nito alam na i-embalsamahin siya kung siya’y natuluyan at mawawala rin ang bango niya sa katawan.

Hindi rin tungkol sa love life ang rason kung bakit ginusto ng actress na wakasan ng maaga ang kanyang buhay, kundi dahil sa pera. Nag-away ang actress at ina nito tungkol sa pera at sa sama ng loob, ayun uminom ito ng perfume. Mabuti’t naagapan at mabilis na nailabas nito ang ininom na pabango at back to work ang luka-luka.

* * *

Dumating si Carlos Agassi sa storycon ng Dragona, isa sa mga istoryang ipi-feature sa Mars Ravelo Komiks Presents ng ABS-CBN. Kasama sa cast ang actor-rapper and contrary sa nasulat, he’s well kahit medyo pumayat na sabi nang naka­kita’y bagay at gwapo pa rin.

Tinawanan lang daw nito ang tsismis na nagda-dialysis na siya na epekto ng tini-take na steroid para magpalaki ng muscles at katawan. Mabuti’t binigyan uli ng project ng Ch. 2 si Carlos para visible siya at ng hindi kung anu-anong istory ang kumakalat.

Late October daw ang taping ng Dragona sa direksyon ni Trina Dayrit at sa December ang airing.

Makakasama ni Carlos sa series sina Shaina Magdayao, Jake Cuenca at Alessandra de Rossi at marami pang iba.

* * *

Suportado talaga ng kanyang fans si Mark Antho­ny Fernandez dahil pati ang pagko-cover nito sa October issue ng MetroHim magazine, ipinaalam ng fans sa press. Isa kami sa in-email ni Camille Angeles para ipagmalaking nasa magasin ang favorite actor niya.

May katuwirang matuwa ang fans dahil ang ganda ng exposure ni Mark sa magasin and with matching naglalakihang pictures. Thankful ang actor sa sinasabing siya ang “Bagong Crush ng Bayan” at nagbirong pangangatawanan niya ito’t magwo-work­out siya.

Kung natuwa kami sa ginawa ni Camille, nainis naman kami kay Nicole Marie Pineda, isa pang fan ng actor dahil nagmura sa kanyang e-mail at ang minura’y ang nakaisip na fantasy-drama ang maging next project ni Mark. Hindi pa nito alam ang project, galit na. Gaya nang sinabi namin, hindi sasayangin ng GMA 7 ang husay sa acting ni Mark at ang momen­tum na dala ng Ako Si Kim Sam Soon, maganda’t malaki ang next show nito. Relax lang kayo!

Samantala, this Monday sa ASKSS, ramdam ni Hannah (Nadine Samonte) ang coldness ni Cyrus (Mark) sa kanya, pero ayaw pa rin niya itong paka­walan.

Alam ni Sam Soon na magsisisi siya sa desisyong magpakasal kay Vincent (Victor Aliwalas, Jr.) at pinanindigan ang desisyon. May wedding ad ng kasal nila sa dyaryo at nakita ‘yun ni Cyrus na labis na nasaktan.

vuukle comment

AKO SI KIM SAM SOON

BAGONG CRUSH

CAMILLE ANGELES

CARLOS AGASSI

DRAGONA

JAKE CUENCA

LATE OCTOBER

MARK ANTHO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with