^

PSN Showbiz

Magaling na aktor dating alahero

-

Nakakabilib naman ang isang aktor. There was a time pala na naging alahero siya as in nagbebenta ng alahas katulong ang mga kapatid niya. Sobrang sikat na aktor na ito ngayon at nakakatuwang madiskubre na ganun siya ka-responsible noon pa man.

Sabi pa ng alaherang friend ko na dating pinagkukunan nila ng alahas, mabait talaga ang aktor na ito kahit noon pa at kaibigan ng anak niya hanggang ngayon kahit sikat na.

Basta sikat na siya ngayon at kung ang kuwento ng friend kong alahera ang basehan, deserving siya sa maraming biyayang natatanggap niya sa kasalukuyan.

Alaga siya ng isang network at maganda ang takbo ng career ng aktor na ito hanggang ngayon.

* * *

Mali naman ang hula ng mga online readers sa blind item na antipatikang nanay ng young actor.

Hindi showbiz ang nanay ng young actor at bihira lang itong lumabas sa TV pero once na lumabas, ang lakas ng dating, parang feeling niya sa mga nali-link sa anak niya, hindi mga bagay samantalang mga artista rin naman ang nali-link dun ha!

* * *

Sarah Geronimo’s season nga. Imagine, bukod sa tagumpay ng kanyang launching movie na A Very Special Love, bongga’t nominated sa Emmy Awards ang teleserye niyang Bituing Walang Ningning. Wala pang final selection pero proud na si Sarah dahil iilang Kapamilya programs nga naman ang nominado. Bukod sa nasabing nominas­yon, pasok din siya sa Most Beautiful Women base sa survey sa internet. “Grabe, hindi ko po lahat ito ini-expect,” nasabi na lang ni Sarah nang magka­roon ng launching ang kanyang bagong CD, Just Me at ng kanyang concert sa Araneta.

By the way, nasa ika-7th week na ang A Very Special Love nila ni John Lloyd Cruz. (SVA)

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

ALAGA

ARANETA

BITUING WALANG NINGNING

BUKOD

EMMY AWARDS

JOHN LLOYD CRUZ

JUST ME

MOST BEAUTIFUL WOMEN

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with