GMA exec nalito sa title ni Dingdong?; Basag ang audio ng Dos
SEEN: Ang certification mula sa Los Angeles Memorial Coliseum Commission na patunay na hindi nirentahan ng mga producers ng Eat Bulaga LA Grand Fiesta ang bleacher seats ng Los Angeles Sports Arena. Pirmado ni Yrene Asalde-Infante ang certification:
This is to certify that the bleachers section of the Los Angeles Sports Arena WAS NOT OPENED for ticket sales for the Eat Bulaga LA Grand Fiesta last July 19, 2008.
Inilabas ni Ana Puno ng Starmedia (co-producer ng show) ang certification upang matigil na ang pagpipilit ng ibang reporter (na wala naman sa venue) na flop ang show ng Eat Bulaga sa
SCENE: Ang birthday VTR greetings ni GMA 7 executive Jimmy Duavit, Jr. kay Dingdong Dantes. Tinawag niya na Prince of Primetime TV si Dingdong. King of Primetime TV ang nakasulat sa mga press releases ng GMA 7 tungkol kay Richard Gutierrez.
Hindi na dapat pagdebatehan ang mga lugar nina Dingdong at Richard sa kanilang mother studio.
SEEN: Ang napapadalas na pagsusuot ni Claudine Barretto ng swimsuit sa mga eksena niya sa Iisa Pa Lamang. Certified one hot momma si Claudine!
SCENE: Ang “basag na audio” ng mga programa ng ABS-CBN.
Maaaring may technical problem sa audio system ng Dos kaya hindi ito klaro sa pandinig ng mga televiewers.
SEEN: Postponed ang presscon at preview ng Sisa sa UE Recto. Technical reasons ang dahilan na sinabi ng mga producer ng pelikula.
Si Jodi Sta.Maria ang gumanap na Sisa.
SCENE: Kasabay ng playdate ng For the First Time sa August 27 ang birhday special nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Araneta Coliseum.
Ang For the First Time ang pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa Star Cinema.
- Latest




















