^

PSN Showbiz

Sharon, nag-panic sa rashes

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa presscon ng Caregiver ay tinanong si Sharon Cuneta kung ano ang pinakamahirap na sitwasyong naranasan sa London habang ginagawa ang pelikula.

Ayon sa megastar, pinakamahirap ang klima dahil sa sobrang lamig ay tinubuan siya ng allergy.

“Noong una, dito lang sa braso pero nang mapunta na sa leeg ko at mukha, do’n ako nag-panic sa aking mga rashes. Nagkaroon ako ng pimples dahil sa cold sore,” anang Sharon.

Fee na feel ni Shawie ang papel na ginampanan kung saan tumaas ang respeto niya sa caregiver na nagtitiis nang labis sa ibang bansa kahit mawalay sa pamilya basta’t kumita lang ng pera.

Ayon sa magaling na aktres, ito ang pinakamahirap na karakter na nagampanan niya at tumaas ng 1000 times ang respeto at admiration niya sa lahat ng mga caregivers.

Kahit pinagbawal ang pagtatanong kay Shawie tungkol kay Gabby Concepcion ay si Boots Anson Roa naman ang nagkwento sa nakaraan ng dalawa. First time nitong mag-mother role sa PS I Love You bilang ina ni Shawie na 17 years old lang noon. Siya naman ay 35 years old.

“Sweet na sweet sila ni Gabby noong may kinukunan kaming eksena sa may sementeryo kung saan sinabing siya (Boots) ang kukuning ninang kapag sila’y ikinasal at si (Eddie Garcia) naman bilang ninong. Super bait ni Shawie at matulungin at ayaw niya itong malaman ng ibang tao.

“Noong may project kami sa Mowelfund na livelihood program ay umorder ito ng 70 pieces ng samples na gawa ng mga workers para makatulong sa aming proyekto kaya naman sobra ang pagpapala sa kanya dahil sa dami ng natutulungan nito,” paliwanag ni Boots.

*  *  *

Subok na ang pagiging epektibong hosts nina Janice at Gelli de Belen gayundin si Carmina Villaroel. Inamin ng tatlo na marami ang natutunan nila sa paksang tinatalakay sa SiS araw-araw mula sa iba’t ibang mga guests na nanggagaling sa iba’t ibang sektor from showbiz to politics.

Normal silang tao kaya kinikilig kapag ang mga guests ay sina Senador Chiz Escudero at Panfilo Lacson. Sa paglipas ng maraming taon, higit na tumibay ang pagkakaibigan ng tatlo kaya naging maganda ang working relationship nila sa SiS na kitang-kita naman.

vuukle comment

AYON

BOOTS ANSON ROA

CARMINA VILLAROEL

EDDIE GARCIA

GABBY CONCEPCION

SHAWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with