^

PSN Showbiz

Cristine matanda ang gustong dyowa

-

Instead na maging malinaw sa lahat ang mga plano ni Regine Velasquez, mas naimbyerna pa sa kanya ang mga showbiz insider. Sabi ng isang baklang kausap namin, hindi naman siya bagay na Betty La Fea dahil mas bagay siyang nanay ni Betty.

Kawawang Regine, hindi niya alam mas naging nega siya after ng interview sa The Buzz. Sana hindi na lang siya nagpa-interview .

* * *

Sad naman ako for the movie Ate. Comeback directorial pa naman ito ni Lore Reyes at si Peque Gallaga ang nagsulat ng script at supposedly launching movie ni Cristine Reyes pero sadly, hindi nakapasa sa panlasa ng Cinema Evaluation Board (CEB) nang panoorin kahapon. Pero ok lang ‘yun, at least masa-satisfy naman daw ang mga manonood sa mga lovescene nina Ara Mina and Cristine with their leading men, na produced ng A’Mine Entertainment na pag-aari ni Ara Mina.

Magkapatid din ang role nina Ara at Cristine sa Ate, pero mai-involve sila sa iisang lalaki. Paolo Paraiso played Ara’s husband pero dahil unti-unti nang nalolosyang ang beauty ni Ara, mababaling ang pagtingin niya sa nakababatang kapatid nitong si Cristine.

Magkakaroon ng lihim na relasyon sina Cristine at Paolo habang kasal ang huli kay Ara. Mabubuking ito ni Ara at dito na magsisimula ang conflict sa istorya ng pelikula.

Sino kaya ang magpaparaya in the name of love? Si Ara kaya o ang younger sister niyang si Cristine?

In real life, hindi pa raw nangyari na naging magkaribal sa lalaki ang dalawa. Magkaiba raw kasi sila ng type sa lalaki.

Si Cristine mas type ang lalaking mas matanda sa kanya like Dennis Trillo at ngayon nga’y nali-link naman siya sa mas matanda sa kanyang TV host. Si Ara naman after Polo Ravales na mas bata rin sa kanya ay may mga suitor din ngayong mas bata rin sa kanya.

But what if pareho silang ma-in love sa iisang guy? Ano kaya ang gagawin ni Ara?

“I don’t know. Pero siguro, mas pipiliin ko ’yung pagmamahal ko sa kapatid ko. Puwede kong i-sacrifice ang lalaki, pero hindi ang pagmamahal ko sa kapatid ko,” say ng actress.

Sey naman ni Cristine: “Malabong mangyari sa amin ni Ate ’yon. Iba ang type namin, eh, kaya sure ako na hindi talaga ’yon mangyayari. But if ever, siyempre mas pipiliin ko si Ate kasi siya ang pamilya ko.”

Ang Ate na showing na sa March 5.

Bukod kay Paolo, kasama rin sa movie sina Eddie Garcia, Rochelle Barrameda, Eva Daren, Ian Veneracion na balitang hindi nagpabayad sa pag-apir sa pelikula. (SVA)

vuukle comment

ANG ATE

ARA

CRISTINE

MAS

SI ARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with