^

PSN Showbiz

Sikat na singer nang-uumbag ng driver

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Malakas pala ang kaway ng pulitika kay Dingdong Dantes dahil gusto niyang makatulong at makapaglingkod sa mga mamamayan ng Kyusi. Kamakailan ay naging guest ito sa proyekto ni Konsehal Ariel Inton Jr. para sa mga senior citizens na pinamagatang Ang Ganda ng Lola Ko na pakontes sa pagandahan ng mga lola.

Ayon sa balita ay baka kumandidato itong konsehal sa isang distrito ng Quezon City.

Matalino si Dingdong, may kababaan ng loob bukod pa sa malakas ang karisma nito sa mga tao laluna sa mga kabataan.

* * *

Kapag nagpupunta ako sa aming family doctor ng Chinese General Hospital at may klinika sa Oroquieta ay lagi naming napag-uusapan si Sarah Geronimo na kapitbahay nila.

Ayon sa mga residente dun ay likas na sa actress-singer ang kabaitan kaya di nakapagtataka kung nagtagumpay man ito. Maganda ang kanyang upbringing dahil very close ang kanilang pamilya. Natutuwa naman ang mga residente dun dahil proud sila sa galing umawit ni Sarah na hindi lang matagumpay sa bansa kundi gayundin sa international scene.

* * *

Noong nakaraang Huwebes ay nag-text sa amin ang dalawang kapatid sa hanap-buhay at sinabing may nag-text sa kanila at sinabing patay na si Rudy Fernandez. Sabi ko naman sa kanila ay naka-headline sa PSN na sinulat ni Lolit Solis na pupunta ng Amerika sina Daboy at LT para magpa-check-up at tuloy manonood sa laban ni Manny Pacquiao. Kung sino man ang nagpasimuno ng text message na ito ay naniniwala kaming lalawig pa ang buhay ni Daboy.

* * *

Matatapos na ang Marimar sa Marso at maraming nagtatanong kung ano na ang susunod na proyekto ni Marian Rivera. Di man sabihin ay kitang-kita sa teaser ad ng Dyesebel na ang mukha niya ang mapapanood. Magsisimula sa April ang airing nito sa direksyon ni Joyce Bernal. Ang maganda kay Marian, propesyonal ito at handang magpakita ng boobs kahit niplets lang ang ipantakip.

* * *

Kwentong tsuper naman ito. Minsan ay may nakapagkwento sa aking taxi driver na nag-apply bilang family driver ng isang sikat na singer.

Minsan ay pinasundo niya ang anak na isa ring female singer sa airport pero tinanghali siya ng gising dahil mag-uumaga na silang umuwi ng boss na singer. Naghintay ang anak nito sa airport at nang umuwi ay isinumbong sa ama ang ginawang paghihintay.

Nagalit ang amang singer at agad na sinuntok ang family driver. Walang nagawa ang driver kundi nagpaalam din sa kanila dahil nananakit ang singer kapag nagagalit sa kanya.

Ngayon ay masaya na ito bilang taxi driver uli dahil hindi na nakakatikim ng kamao ng singer na hindi niya sukat akalain na mabagsik pala gayung kung titingnan sa panlabas na kaanyuan ay palabiro at mabait at malumanay pa kung magsalita.

vuukle comment

ANG GANDA

AYON

CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with