^

PSN Showbiz

AiAi may ibang naramdaman kay Robin

RATED A - Aster Amoyo -

Nung makausap namin si AiAi de las Alas sa mini-presscon ng My Funny Valentine na pagsasamahan nila nina Vernie Varga at Ogie Alcasid kung saan may special participation ng sexy actress na si Diana Zubiri na gaganapin sa Crowne Plaza Ballroom ngayong February 8 (Biyernes), sinabi ng comedy concert queen’ na nakapagsimula na siyang mag-shooting ng una nilang tambalan ni Robin Padilla sa Viva Films, ang Ikaw Pa Rin. Hindi pa sila noon nagkakaroon ng eksena ng aktor.

Finally, ay nagtagpo na rin ang magkapareha sa shooting at sa kanilang first shooting day ay nasabak agad sina Robin at Ai-Ai sa matinding kissing scene.

Sa unang araw ng kanilang paghaharap sa set, kakaiba ang naramdaman ni AiAi dahil hindi umano siya makapaniwala na makakapareha niya ang tinaguriang Bad Boy ng Philippine movies na sobra raw talaga ang lakas ng appeal.  Hindi lamang si AiAi ang excited sa tambalan nila ni Robin kundi si Robin na rin mismo.  Dapat sana’y three years ago pa gusto ng Viva ang tambalan nina Robin at Ai-Ai pero hindi magtagpo ang kanilang mga schedule at ngayon lamang ito naisa­katu­paran.

Feeling ang haba-haba ng buhok ni Ai-Ai sa mga eksena nila ni Robin.

* * *

Proud lolo ang ama ng magkapatid na John at Camille Prats na si Dondie Prats ngayong nakapagsilang na si Camille ng kanilang baby ng husband niyang si Anthony Linsangan. 

Noong nakaraang January 24 pa nagsilang si Camille ng kanilang panganay ni Anthony, si Nathaniel Caesar Prats Linsangan. Pero bago nakapagsilang si Camille ay nagpakasal sila sa LA  (civil wedding) nung January 5 attended by the immediate members of the family at ilang kaibigan. Very intimate ang nasabing kasalan. Ayaw kasi nina Camille at Anthony na isilang si Nathan (palayaw ng bata) na hindi pa sila kasal. Ang grand church wedding ay nakatakdang ganapin sa Pilipinas sa December 5.

Inaasikaso na lamang nina Camille at Anthony ang mga papers ni Nathan at kapag naayos na ang mga ito ay babalik na sila ng Pilipinas para harapin naman ni Camille ang kanyang ipinatayong pre-school sa loob mismo ng Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal kung saan nakatira ang mga Prats.  Magpapa­payat din si Camille dahil nais niyang balikan ang kanyang showbiz career.

Kahit maagang nag-asawa at nagkaanak si Camille, all out ang suporta sa kanya ng pamilya.

Samantala, maraming natutuwang homeowners ng Village East sa mga programang ipinamamalas ng kanilang bagong pangulo na si Dondie Prats.  Wala pa mang isang taong nakaupo bilang presidente ng mga homeowners ng Village East si Dondie ay marami na itong nagawa para mapaganda lalo ang village at maging ang serbisyo rito.

* * *

Personal:  Advance birthday greetings sa IPS big boss, Koji Miyashita at kay Dulce Lucban (mommy ni Pops Fernandez) sa darating na linggo, February 3.

* * *

E-mail:  [email protected]

AI-AI

CAMILLE

DONDIE PRATS

VILLAGE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with