^

PSN Showbiz

Jake at Roxanne magkaiba ang sinasabi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Iisa ang tanong ng press people kay Jake Cuenca nang makita sa Christmas Party ng ABS-CBN Star Magic. Ang real score nila ni Roxanne Guinoo ang inusisa, pero nalito at naguluhan kami sa paikut-ikot na sagot ng actor.

Hindi pa raw sila break, hindi rin cool off and they still talk, pero halatang may problema sa kanilang dalawa. Nakiusap din ng enough time si Jake at ‘pag ready na siya, magsasalita rin daw siya.

“I’m not confirming the break-up, I’m not denying either. I’m not gonna go into details. Okey pa rin naman kami, altho’ separate na kami in our next projects. Just give me time, open naman ako sa inyo. As of now, work ang priority ko,” sabi ni Jake.

Ang ASAP, That’s My Doc  at Palos ang mga trabahong binanggit ni Jake na nagpapa-busy sa kanya, plus pictorials at kung anu-ano pang tra­baho. Si Roxanne naman daw ay makaka­sama ni Maricel Soriano sa isang soap.

In fairness, ipinag­tang­gol ni Jake si Roxanne sa tsismis na nalasing ito at basta na lang bumulagta sa Embassy sa sobrang kalasingan. Foul daw ang nasulat, dahil hindi nalasing ang actress. Kaya lang, sa presscon ng Shake, Rattle, & Roll 9, inamin ng dalaga na nalasing siya. Hindi tuloy malaman ng press kung sino ang paniniwalaan sa kanilang dalawa.

* * *

First time mapapanood ang mag-syotang Mark Herras at Lian Perez ng EB Babes na magpi-perform at mangyayari ito sa BAD o Bump and Dance, dance concert ng actor sa Music Museum this Friday evening. Love dance called Adagio ang gagawin ng dalawa, kaya special.

Guests din ni Mark sina Yasmien Kurdi, Rainier Castillo, Rhian Ramos, Studs, Jose & Wally, Kids@ Work, Manouvers, Abstract Dancers, Movers, at SOP Boys. Wala sa line-up ng guest ni Mark ang manager niyang si Lolit Solis, sabagay, hindi ito mahilig sa night life.

Pagod sa rehearsal si Mark, pero excited na rin dahil first time niya itong gagawin. Ayaw patulan ang intrigang naunang magplano ng dance concert si John Prats at inunahan lang niya. Friends daw sila at nakiusap na ‘wag silang intrigahin.

Bale-wala rin kay Mark ang pang-ookray ng press na maiksi ang participation niya sa Bahay Kubo, dahil ang importante ay naka-eksena niya si Maricel Soriano.

* * *

Isinama ni Ara Mina si Cristine Reyes sa Guam, kung saan guest siya sa special show ng isang noontime show ng ABS-CBN. Ipinaalam ni Ara sa GMA Artist Center ang kapatid para maging stylist niya at makasama sa pamamasyal. Wala pa naman daw itong ginagawa at hindi pa nagti-taping ng Joaquin Bordado.

Hindi puwedeng mag-guest sa nasabing show si Cristine dahil may exclusive contract siya sa GMAAC hanggang February next year pa. Umaasa ang mga taga-GMAAC na hindi siya lalabas sa show, kahit mag-greet lang, dahil baka maging isyu ito pagbalik niya. Balita pa naman, magre-renew siya ng kontrata at kaya tinanggap ang Joaquin Bordado dahil mananatili siyang Kapuso.

vuukle comment

ABSTRACT DANCERS

ARA MINA

BAHAY KUBO

JOAQUIN BORDADO

MARICEL SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with