^

PSN Showbiz

Bea nasolo ni Mico sa Batangas

-

Magkasamang nag-celebrate sina Bea Alonzo at Mico Palanca ng 20th birthday ng dalaga (October 17) sa Tali Beach in Nasugbu, Batangas. Kay Bea mismo namin nalaman na one-year na pala ang relasyon nila ng younger brother ni Bernard. “Isang buong araw kami dun pero alam mo, half day itinulog ko lang,” kuwento ni Bea. “Si Mico gustong mag-sunbathe pero ako hindi puwede dahil bawal sa akin. Para lang akong Itang maputi, paano pa kung magpa-tan ako?,” pagbibiro ng young actress.

Walang chaperone ang lovebirds sa Tali. Natanong nga pala namin ang female lead ng One More Chance about her views on pre-marital sex. “Siyempre old-fashioned pa rin ako pagdating sa ganyan (pre-marital sex),” say ni Bea. “Lahat naman gusto pagkatapos ng kasal saka pa lang (may mangyayari). But you know, marami nang pagbabago sa beliefs ngayon, eh. Hindi ka puwedeng basta magsalita nang patapos.”

May mga nakakita naman daw sa leading man ni Bea sa One More Chance na si  John Lloyd Cruz sa St. Luke’s hospital na ina-assist ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Liz Uy na nag-check out matapos ma-confine ito diumano sa nasabing ospital.  (FRANCIS SIMEON)

vuukle comment

BEA

BEA ALONZO

JOHN LLOYD CRUZ

KAY BEA

LIZ UY

MICO PALANCA

ONE MORE CHANCE

SI MICO

ST. LUKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with