^

PSN Showbiz

Parokya, Kamikazee, ratsada sa US!

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -

Tuwang-tuwa ang Parokya ni Edgar sa ma­laking tagumpay ng kanilang first major con­cert na tinanghal sa Folk Arts Theater kama­kailan.

Ilang araw lang pag­katapos ng palabas na tinampok din ang Kami­ka­zee, Sponge Cola at iba pang banda, lumi­pad nang papuntang Amerika ang Parokya at Kamikazee.

Noong September 15, sa Slimac’s ng San Fernando ang kanilang sell-out concert. Sinun­dan ito ng isa pang S.R.O. event sa Epicen­tre ng San Diego, Cali­fornia.

Kahapon, Septem­ber 22, sa El Rey Thea­ter ng Los Angeles, Cali­fornia ang live concert ng Parokya ni Edgar at Kamikazee.

Ngayong Linggo na­sa Las Vegas (Che­yen­ne Saloon) ang tugtog ng dalawang banda. Hindi makakapanood ang kabataan dito dahil 21 and above years old lang ang maaring pu­ma­sok sa venue.

Sa Biyernes, Sep­tem­ber 28, nasa Con­gress Theater ng Chi­cago ang Parokya’t Kamikazee, Lipad na­man sila sa Jersey City para sa kanilang Sep­tember 29 (Sabado) concert sa The Land­mark.

Ang huling palabas na magkasama ang Parokya’t Kamikazee ay sa isang Linggo (September 30), sa State Theater ng Wash­ington D.C.

Pauwi na sa bansa sina Jay Contreras at Kamikazee, saman­talang sina Chi­to Mi­randa naman at ang Parokya ni Ed­gar ay  pupunta pa ng Texas  upang magtanghal sa Stanfford Civic Center sa October 7 (Linggo).

Pagbalik sa bansa ng Parokya sa susunod na buwan, tatapusin nila ang isang bagong album para sa Uni­versal Records.

* * *

Ginanap na ang 2007 DMC  World DJ Championship (Phi­lippine Finals) sa Hard Rock Café, Glorietta.

Isang well-attended af­fair ito ng mga local at foreign personalities at pinanood nila ang exci­ting na contest na may walong finalists mula sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Nahirapan ang mga hurado sa pagpili ng nanalo na siyang kaka­tawan sa ating bansa sa 2007 World DJ Cham­pionship sa London, England sa susunod na buwan.

Si DJ Jam Masta ang tinanghal na kam­peon samantalang sina DJ Red-I at DJ Trigga ang mga runners-up.

Kasama sa mga past winners ng annual con­test si DJ MOD na na­nalo din sa London, at isa na ngayong sikat na pro­ducer, composer, recording artist at TV personality.

vuukle comment

CALI

CITY

PAROKYA

PLACE

SHY

STATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with