^

PSN Showbiz

Singer/actress, nakunan!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Dalawang estud­yan­teng babae ang naringgan naming nag-uusap tungkol sa isang sikat na singer-actress na nabuntis at naku­nan. Sinabi ni student A na minsan ay may dinalaw ang kanyang mommy sa isang sikat na ospi­tal sa Alabang.

“Nagulat si mommy dahil nakita nitong bi­na­bantayan ng sikat ding singer ang kan­yang mahal na actress-singer na nakunan daw at pinag-uusapan din ng ilang narses sa na­sabing ospital.

Kung totoo ito ay di dapat pagtakhan dahil very vocal na ang dala­wang involved tungkol sa kanilang relasyon.

GRAND WINNER NG PNTM

Deserving si Gren­del Alvarado na ma­nalo ng Philippines’ Next Top Model (PNTM) hosted by Ruffa Gutierrez. Ito ang kauna-unahang reality modeling series sa bansa na prodyus ng Solar Entertainment at napanood sa RPN 9. Tumanggap si Grendel ng kalahating milyong piso sa ka­gandahang loob ng Mane and Tail Shampoo at ang nagkaloob ng premyo ay si GM Albert Peña (nasa photo at Christian Da­tol, assistant GM.

Ilan pa sa mga bong­gang premyo na natanggap ng magan­dang winner ay modeling representation with Stars Modeling Agency sa Hong­kong, 8-page fashion editorial sa Preview Magazine, P150,000 pesos modeling contract with Saga Events, one year endorsement contract mula sa Cline group of companies, adver­to­rials for L’Oreal Paris para sa isang taon for their local campaigns, one year body contouring program mula sa Marie France, one year complimentary treatment mula sa Facial Care Center at natural golden South Sea pearl necklace mula sa Jewelmer’s Pearl Ambassador to the World.

Maraming nanini­wala na magiging isang matagumpay na model si Grendel kung saan pangarap ito ang grand winner sapul pa sa pagkabata.

vuukle comment

ALBERT PE

CHRISTIAN DA

FACIAL CARE CENTER

GRENDEL

MANE AND TAIL SHAMPOO

MARIE FRANCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with