^

PSN Showbiz

Kris, Love ulit si James!

- Veronica R. Samio -
Marahil kung hindi pa nalagay sa bingit ng ka matayan ang buhay ni Kris Aquino na dulot ng pagsisilang niya kay Baby James ay baka hindi pa niya nari-realize na love uli niya ang asawang si James Yap.

Totoong nasa process pa rin sila ng healing at nangangailangan ito ng hindi kakaunting panahon, pero madali na nilang malulusutan ito. Now that they have once more felt the love for each other. Lalo na si Kris na walang pangingiming nag-profess na mahal uli niya si James nung siya ay nasa ospital pa.

Ang isang simpleng caesarean birth almost turned into a nightmare nang magkaro’n ng kumplikasyon si Kris na nangailangan pa ulit ng operasyon.

"I thought I was a goner, especially nang magpa-Misa ang mom ko sa ospital, sa isang Don Bosco priest at dumating ang pamilya’t kamag-anak ko," kwento ng ngayon ay magaling nang TV host/actress/product endorser, mother & wife, daughter, sister & friend. Whew!!!

Nagpakita na si Kris sa publiko for the first time sa pa-presscon ni Mother Lily ng Regal para sa kapatid niyang si Noynoy Aquino na tumatakbong senador.

"Hindi ko natupad ang promise ko sa kanya na sasamahan ko siya sa kampanya niya dahil nga sa nangyari sa akin," patuloy pa ni Kris na dumating sa presscon kasama si former president Cory Aquino, James, Josh at Noynoy.

Sa kabila nga ng kakulangan ng tulong ni Kris kay Noynoy, hindi nawawala sa ikawalong slot si Noynoy sa mga ginaganap ng surveys. Sa tulong din ni James na ikinampanya ang kanyang bayaw sa salitang Bisaya, tataas pa ang posisyon ni Noynoy.

Bago si Noynoy, nagpa-presscon din si Mother Lily para kay Sen. Gringo Honasan na naghahangad ng reelection para sa Senado. Kung hindi pa dahilan dito ay hindi pa malalaman ng lahat na isang aktibista pala ang may-ari ng Regal. Kasa-kasama siya nun sa mga martsa at rally nina Lino Brocka at Ishmael Bernal.

"Kaisa ako sa ipinaglalaban niya," ani Mother Lily na hindi sinabi kung aprub din siya sa pamamaraan ng pakikipaglaban ng magiting na senador.

Pero pinaka-gusto kong sinabi ni senatoriable Gringo ay hindi niya kami kinakampanya. Kung ayaw namin siyang iboto ay tulungan na lamang daw naming entertainment press ang mga kasamahan niyang kandidato na inaakala naming makakatulong ng malaki sa bansa.
* * *
Napaka-swerte ng Board Walk na makuha ang serbisyo ni Ryan Agoncillo bilang latest endorser nila. Ang gwapu-gwapo ni Ryan nang prinisinta nila siya sa media kasabay ng pagpirma nito ng kontrata sa kanila. Suot nito ang kanyang Board Walk apparel na dinisenyo ni Avel Bacudio.

It was wise of him na huwag nang patu lan yung isyu ng STD na sinabi niyang hindi naman makakatulong sa kanya bagaman at inamin niyang naapektuhan din siya nang una itong lumabas pero sasandali lamang yun at di nagtagal ang epekto sa kanya. Sinabi lamang niya na sana raw ay tiniyak muna ng sumulat ang kanyang facts bago niya ito ipinalabas.

Isa sa mga araw na ito ay makikita na ang malaking billboard ni Ryan ng Board Walk sa Edsa.
* * *
May ginanap na video sale kahapon Mayo 4 sa 10th floor (air conditioned) ng 1487 Quezon Ave., QC na Smart Wireless Center ang nasa ground floor. Libu-libong titles ng mga music vcd, dvd at vhs ang mabibili hanggang Mayo 5, 6 at tuwing Biyernes, Sabado, Linggo ng buong buwan ng Mayo.

Simula ng sale sa 8NU hanggang 7NG.
* * *
[email protected]

AVEL BACUDIO

BOARD WALK

MOTHER LILY

NIYA

NOYNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with