^

PSN Showbiz

Back up lang ni Sheryl si Janno!

-
Paano Kita Mamahalin na pala ang title ng movie nina Regine Velasquez at Piolo Pascual na co-produced ng Star Cinema at Viva Films. Fallen ang working title nang simulan ni direk Joyce Bernal ang shooting, naging I Finally Found Someone at ngayon ay Tagalog na ang title na mas bagay sa mga bida.

Ipinagmalaki ni Piolo na marami siyang stunts sa movie at nagbirong after this, puwede na siyang maging action star. Isa siyang daredevil who always cheats death at may eksenang nagpalipad siya ng eroplano. Isa namang single mom si Regine na nagtatrabaho sa call center. Ibig sabihin, maraming English lines ang singer-actress.
* * *
Hindi lang bida ng Sinasamba Kita si Sheryl Cruz, siya rin ang kumanta ng female version ng theme song ng pilot series ng Sine Novela ng GMA-7 with Janno Gibbs as her back-up. May version din si Ogie Alcasid at ang actress naman ang kumanta ng female lines.

Natutuwa si Sheryl dahil hindi lang ang acting career niya ang na-revive nang bumalik siya ng bansa, pati na ang kanyang singing career. Sa Bakekang ay kumanta rin siya at sa album na ilalabas para sa mga OFW, kasama siya. Kinuha siya ni Bernadette Gutierrez, composer ng hit song niyang "Sabi Ko Na Nga Ba" dahil suwerte raw siya sa composer.

Sobrang tuwa ni Sheryl na sa kanya ipinagkatiwala ng Ch. 7 ang role ni Divina na ang movie version ay ginampanan ni Vilma Santos na ninang niya. Alam nitong makukumpara siya, pero ‘di niya ito ginawa para tapatan o higitan si Vilma. Sariling interpretasyon ang ginawa niya sa tulong ni director Joel Lamangan.
* * *
Pati si Jolina Magdangal, kinumbinseng tumakbong mayor at congressman sa Bulacan at mabuti’t ‘di nagpadala sa mga kumausap. Sa showbis na lang siya at iiwan ang pulitika sa boyfriend niyang si Bebong Muñoz na tumatakbong congressman sa 2nd district ng Caloocan.

Suportado ni Jolina ang kandidatura ni Bebong at nang mag-file ito ng COC, nag-leave siya sa Unang Hirit at uulitin niya ang pagli-leave sa show ‘pag malapit na ang election para makatulong sa boyfriend. Natuwa ito’t pati fans niya ay nag-volunteer na tumulong sa kampanya, ‘di lang siya pumayag dahil inaabot ng madaling-araw ang paglilibot ni Bebong at baka walang masakyan ang mga ito pauwi.

Samantala, maaga ang promo nina Jolina at Judy Ann Santos ng Ouija kahit July 25 pa ang start ng showing nito. Okey lang kay Jolens kung totoong lilipat sa GMA-7 ang kaibigan, pero wala raw silang napag-uusapan tungkol dito. — NITZ MIRALLES

BEBONG

BEBONG MU

BERNADETTE GUTIERREZ

I FINALLY FOUND SOMEONE

ISA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with