^

PSN Showbiz

Regine, inalok ni Ogie ng kasal!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
A friend of mine called. "Grabe inalok na raw ni Ogie Alcasid ng kasal si Regine Velasquez. Kwento lang sa akin nung isang malapit kay Regine," medyo shocked na kwento ng friend ko sa kabilang line. Uy may credibility ang nagkwento tungkol dito kaya believable.

Hindi kaya ito na yung sinasabing malaking announcement ni Ogie this coming June? Remember nga naman nag-promise si Ogie na may sasabihin siya.

Ang haka-haka ng marami, ang announcement na sasabihin na ni Ogie ay annulled na sila ng asawang si Michelle Van Eimereen at aamin na sila ni Regine.

Hay exciting. Ano ba talagang sasabihin ni Ogie?

O baka naman show lang niya?
* * *
Dahil sa kakaibang trailer ng pelikulang Rumbleboy, maraming nagkakainteres na panoorin ang pelikula. For a change kasi, hindi gumawa ng gimik ang mga artistang kasali sa movie na usually ay gimik sa promo ng movie.

Pero ito, instead na mag-ingay ay mas nag-concentrate sila sa ka kaibang effects ng pelikula na ayon sa bida cum producer na si Derick Dee ay first time na mapapanood sa local film.

Sila ang first local action movie na gumamit ng state-of-the-art visual FX.

"Ayaw naming gumimik ng mga kung anu-ano. Ang FX ang gimik namin," dagdag ni Derick.

"Oras na tangkilikin ito, siguradong malaki ang magiging pagbabago sa local action films natin, sana nga maka lusot ito," sabi ni Derick.

Hindi tinipid ang pelikula. Ang dami nilang nakakalat na billboard sa Edsa at sa mga sinehan.

Mapapanood ang movie starting tomorrow, April 25 under Apache Films.
* * *
Sabay umalis at sa bay darating from Boracay sina Angel Locsin at Marvin Agustin. Dapat bang bigyan ng malisya?

Kasama ni Angel na nagpunta sa Boracay ang bestfriend niyang si Lani at isa pang staff. Si Marvin, may kasamang dalawang kaibigan at originally pala ay may event na pupuntahan doon, pero hindi raw natuloy. Pero since nandun naman daw sila Angel, itinuloy na lang ni Marvin ang bakasyon.

In fact, ibinilin pa raw ng manager ni Angel ang alaga kay Marvin.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

APACHE FILMS

BORACAY

DERICK

DERICK DEE

MARVIN

MARVIN AGUSTIN

MICHELLE VAN EIMEREEN

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with