^

PSN Showbiz

Angel, mag-aaral ng basic fashion course

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Balak ni Angel Locsin na kumuha ng one year course sa Basic Fashion and Business Design sa Legaspi sa Makati. Gusto kasi nito na magtayo ng negosyo tungkol sa fashion sports wear.

"Iba na kasi tita yung may background ka sa fashion lalo na kung gusto mong magtayo ng negosyo tungkol dito. At least alam mo ang pasikut-sikot ng negosyo," aniya.

Abala ngayon ang magandang aktres sa pagsuporta sa kanyang Ate Ela na nominee para sa Kabataang Party List. Katunayan nag-endorso ito ng libre para sa campaign ad ng kapatid.

Maganda ang plataporma ng Kabataang Party List kung saan nakasentro sila sa paggalang sa karapatan ng mga kabataan at paghahandog ng edukasyon na mass-oriented, scientific at nationalist.
Gina, Cool Na Direktor
Naobserbahan namin kung paano magdirek si Gina Alajar na siyang director ng episode na Angel of Mine na tinatampukan nina Angel Locsin, Aiza Marquez at Ketchup Eusebio. Kinukunan ang isang eksena at komo metikuloso si Direk Gina ay paulit-ulit itong ginagawa hanggang ma-perpekto ang acting ng mga artista.

Hindi naman nahirapan sa pagmo-motivate ang director sa mga artista dahil magagaling sina Angel, Aiza at Ketchup.

Ang galing umarte ni Ketchup. Hindi naman ito kataka-taka dahil produkto pala ito ng musical stage play. Si Angel mismo ang nagrekomenda sa prodyuser at director dahil nagagalingan siya dito. Magkasama kasi sila sa Mano Po 5 na pinagbidahan niya.
Bakekang Finale Week Replay
Naka-39.7% ang overnight rating ng last episode ng Bakekang noong nakaraang Biyernes, at merong 2 hour Bakekang finale week replay sa Maundy Thursday mula 8PM hanggang 10PM.
Tito, Mabuting Asawa At Ama
Marami pa rin ang sumusuporta sa kandidatura ni Tito Sotto para senador, kahit naintriga itong balimbing dahil lumipat ng partido.

Sa kabila ng pagiging magulo ng pulitika at showbiz nasanay pa rin ang pagiging mabuting asawa ni Tito kay Helen Gamboa. Hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang pagsasama sa piling ng mga anak. Kahit abala sa kanyang trabaho ay di napapabayaan ni Tito ang mga anak lalo na kapag may problema ang mga anak gaya ni Ciara Sotto na naging magulo noon ang lovelife pero di iniwanan ng ama hanggang makalampas ito sa matinding pagsubok.

AIZA MARQUEZ

ANGEL LOCSIN

ANGEL OF MINE

ATE ELA

BAKEKANG

BAKEKANG FINALE WEEK REPLAY

BASIC FASHION AND BUSINESS DESIGN

KABATAANG PARTY LIST

TITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with