^

PSN Showbiz

Susan, di pabor na pasukin ng anak ang pulitika!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi lang ang organizer at pangulo ng FPJPM o Filipinos For Peace, Justice & Progress Movement na si Boots Cadsawan ang gustong maging nominee ng mga myembro kundi gayundin si Mary Grace Poe Llamanzares (anak nina Susan Roces at yumaong Fernando Poe Jr.).

Pero mas malamang na hindi siya sasabak sa pulitika. Katwiran nito ay maliliit pa ang kanyang mga anak at kailangan nila ang pag-aasikaso at pag-aalaga niya. Kahit ang kanyang ina ay hindi pabor na pumasok si Mary Grace sa pulitika.

Maganda ang naging mensahe nito tungkol sa kanyang ama.

"Akala ng maraming tao ay totoong namumuhay kami ng mariwasa pero sa totoo lang, kahati namin ang mahihirap na tao na tinutulungan ng aking ama noong nabubuhay pa siya. Malapit ang aking ama sa mga taong salat sa kayamanan, salat sa kaalaman at higit sa lahat yoong naaapi," aniya.
Sis Summer Sports Clinic
Click na Click ang magiging episode ngayon araw tungkol sa summer sports clinic. Guests sina Harry Santos, Dion Ignacio, Ryza Cenon, LJ Reyes, Cristine Reyes, Edgar Allan, Brad Turvey, Angelo Lozada, Abstract Dancers at marami pang iba.
Parang Prinsesa Ang Trato Kay Angel
Kasalukuyang nasa Chang Mai, Bangkok sina Angel Locsin at Robin Padilla para sa taping ng Asian Treasures. Enjoy naman ang dalawa kahit panay ang trabaho nila.

Hangang-hanga ang aktres sa kanyang kapareha dahil sa pagiging super gentleman nito kung saan asikaso siya nito sa lahat ng bagay. Parang isang prinsesa ang trato ni Robin kay Angel at binigyan pa ng alalay para mabantayan ito habang sila’y nagti-taping.
Angelica, Handa Na Sa Pulitika
Desidido si Angelica Jones na pasukin ang pulitika, tatakbo siyang board member ng Laguna. Talaga namang taga-San Pablo ang aktres at ngayon ay gustong makapaglingkod sa kanyang mga kababayan.

Adviser nito ang tiyuhing si Congressman Velasco at nakapag-enrol na siya sa John Robert Power para higit na matutunan ang tamang Ingles na siyang binabatikos sa kanya.

Pangunahin sa plata porma niya ay ang mga kabataan kung saan gusto niyang mabigyan ang mga ito ng sapat na edukasyon at ang livelihood program gayundin ang pangkalusugan at sa turismo.

Kahit pagod sa pagtungo sa iba’t ibang lugar sa District 3 ay enjoy naman ito. Sa latest survey ay masaya nitong ibinalita na nangunguna siya. Malaking tulong din si Mommy Beth na kasa-kasama niya sa pakikisalamuha sa mga tao sa Laguna.

Nang maging guest sa Showbiz Ka si Angie ay sinabi nitong pahinga muna siya sa pag-ibig kaya nakipaghiwalay muna siya sa kanyang non-showbiz boyfriend. Naunawaan naman ng nobyo ang magandang layunin ni Angie na makapagsilbi sa bayan.

vuukle comment

ABSTRACT DANCERS

ANGEL LOCSIN

ANGELICA JONES

ANGELO LOZADA

ANGIE

ASIAN TREASURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with