^

PSN Showbiz

Sino ang paboritong anak ni Eddie?

-
Hindi halatang kalalabas lang ni Gian Carlos sa St. Luke’s Medical Center nang mag-participate ito sa final showcase ng GMA-7 Artist Center Workshop. Hindi ito nagpatalo ng performance kay Dion Ignacio sa ginawa nilang excerpt ng Gamu-gamo sa East Avenue.

Na-ospital si Gian dahil sa internal bleeding dala ng sakit niyang hemophilia at paulit-ulit daw ito. Hindi malinaw ang pagkaka-kuwento sa amin kung bakit inatake siya ng sakit, basta tinamaan daw ang kidney nito na nagiging dahilan ng internal bleeding.

Ayaw daw nitong umuwi ng Iloilo hangga’t may mga commitment pa at nababahala sa kanya ang mga kamag-anak. Hindi makapunta rito ang tita niya dahil may sakit din at kundi kami nagkakamali’y, pinsan ang kasama rito ni Gian mula nang sumali at mag-first runner up sa Starstruck 3.

Humihingi ng prayers ang tita ni Gian mula sa mga kaibigan ng pamangkin. Ipagdasal daw natin na bigyan ito ng lakas hanggang makauwi ng Iloilo at magamot.
* * *
Nagkailangan pala sa first taping day ng Dalawang Tisoy ng Solar sa RPN9 sina Freddie Webb at Eddie Gutierrez. Ang hilig nila sa basketball at cars ang nag-break ng ice at non-stop na ang kanilang kuwentuhan in between takes. Bawal daw pag-usapan ang girls dahil magagalit si Annabelle Rama.

Bibigyan ng love interest sina Eddie at Freddie habang tumatakbo ang sitcom na magpa-pilot sa March 15, 8:30-9:30 p.m. sa RPN-9 sa direction ni Al Quinn.

Very proud si Eddie sa kanyang mga anak at inaming may fav orite siya, pero hindi pinangalanan at baka maging rason ng tampuhan ng magkakapatid. Masaya siya sa takbo ng career ni Richard Gutierrez at naalalang ayaw nitong mag-artista noong una.

"He’s very lucky he came at the right time when there’s a need for an idol. Ayaw niyang mag-showbis dati, pero nang hingi nang hingi ng pera sa amin ni Annabelle na pang-date niya, nag-suggest kaming mag-artista siya. Until one day, lumapit siya sa amin at nagpaalam na ready na siyang mag-artista. Mabait na anak si Richard, mababait ang mga anak ko," pagmamalaki ni Eddie.

Dagdag na kuwento pa nitong last Christmas, balak siyang regaluhan ng car ni Richard, pero pinapalitan niya ng share sa isang golf course sa Alabang. Buong pamilya niya ang gagamit dahil sila ang kanyang dependents.– NITZ MIRALLES

AL QUINN

ANNABELLE RAMA

ARTIST CENTER WORKSHOP

AYAW

EDDIE

GIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with