^

PSN Showbiz

KZ at TJ, may mga ‘di pinagkakaintindihan

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
KZ at TJ, may mga ‘di pinagkakaintindihan
KZ Tandi­ngan at TJ Monterde.
STAR/ File

Mahigit anim na taon nang kasal sina KZ Tandi­ngan at TJ Monterde. Naging matalik munang magkaibigan ang dalawang maraming taon bago tuluyang nagpakasal noong 2020. Para kay KZ ay malaking bagay ang pagiging magkaibigannila ng mister sa kanilang buhay mag-asawa.

“’Yung pagiging mag-asawa namin minsan nasusukat kapag medyonaging husband siya masyado. Kapag masyado mataas‘yung emosyon, pumapasok ‘yon kung paano kami as friends,” makahulugang pahayag ni KZ sa ABS-CBN News.

Normal na para sa Asia’s Soul Supreme ang pagkakaroonng mga hindi pagkakaintindihan sa mga mag-asawa. Ayon kay KZ ay talagang importante na mayroong maayos nakomunikasyon sa pagitan nila ni TJ. “We’ve reached that point in our relationship na parang we’re committed to each other. We’re committed to the marriage na alam namin nakapag magkaroon man ng problem, kailangan naming makipag-communicate sa isa’t isa. Kasi minsan pinapairallang namin mga emosyon namin, nag-aaway kami. It ruins the day when we could’ve made many memories. So parang minsan nag-uusap kami. ‘In ten days ba maaalala ko bakung bakit ako nabwisit sa ‘yo?’ ‘Hindi naman na ‘no?’ ‘Sige kain na lang tayo,’” paliwanag ng singer.

Abala sa kanya-kanyang mga trabaho sina KZ at TJ ay sinisikap ng mag-asawa na maipasyal ang kanilang mgamagulang sa ibang bansa. Taun-taong nagbibiyahe ang mag-asawa sa ibang bansa na kasama ang kanilang mga mgamahal sa buhay na nakabase sa Mindanao. “Every year kasi we treat both our parents outside the country. So pinag-iipunan namin talaga. Parang bawi namin ‘yon. So despite the busy schedules, parang nag-allocate kami ng time namaki-celebrate with them.

“Since we became married lumalabas kami, Japan, Korea. Last year hindi kami lumabas ng bansa. Pero this year kasi, ito ‘yung pinag-iipunan namin talaga. Mag-Euro tour kami. It’s a month-long trip for all of us. Kasi dati ‘pag nag-tour kami, mag-jowa pa lang kami. May mga lugar na pupuntahan kami, parang sana kasama namin sina mommy rito. Sana makapunta ‘yung parents namin dito,” nakangiting kwentona Asia’s Soul Supreme.

Gabbi, naging mantra ang pagsisimba tuwing Linggo

Hindi pinalalampas ni Gabbi Garcia ang isang buong linggo na hindi makapagsimba. Para sa Kapuso actress ay talagang sinisikap niyang makapagsimba tuwing araw ng Linggo. “I go to church every Sunday. That’s my mantra, that’s a rule in my life. Okay, weekend you want to party? You want to go to bars? You want to drink? You want to have fun? Go, go ahead but you wake up early for Sunday mass,” paglalahad ni Gabbi sa Podcast ni Kylie Verzosa.

Kahit nasa ibang bansa ay hindi raw pinalalampas ng dalaga ang pagkakataon na makahanap ng simbahan. “It’s a non-negotiable for me. I look for a church and I go to church. Kahit na no’ng nag-Paris ako last time, French lahat ng pinuntahan kong misa,” kwento ng Kapuso actress.

Mahalaga para kay Gabbi na magkaroon ng panahon lagi upang makapunta sa bahay-dalanginan. Ayon sa aktres ay ito ang pagkakataon upang magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kanyang natatanggap sa araw-araw. “The fact that I’m able to go to church to reflect and talk to God, that’s my way of also grounding myself and having that reality check and having my quiet moment in how I am in this life and how I am doing in this life. Always ‘yan ‘pag Sundays like, okay what happened during my week? I’m grateful for this, I’m grateful for that. It keeps me human in this industry,” pagbabahagi ng dalaga.  (Reports from JCC)

KZ

TJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with