^

PSN Showbiz

2 buwang buntis si Tanya, si Gob. Lapid ang ama!

RATED A - Aster Amoyo -
Personal naming nakausap si Pampanga Gov. Mark Lapid nang makarating sa amin ang balita tungkol sa pagbubuntis (dalawang buwan) umano ng napapabalitang kasintahan niya ngayon, ang aktres na si Tanya Garcia. Hindi siya nag-deny sa balitang ito at lalong wala siyang balak na talikuran ang kanyang obligasyon sa magandang aktres.

"Pero may tamang panahon para diyan. Nagkakaintindihan kami ni Tanya at walang problema sa aming dalawa. Pero ayokong isali at ihalo ang usapin sa amin ni Tanya sa usapin at mga intriga na ibinabato sa amin ng Papa (Sen. Lito Lapid) ko na may kinalaman sa puliktika," malumanay na pahayag ng batang gobernador.

Sinabi namin kay Mark na hindi niya puwedeng iwasan ang usapin tungkol sa kanila ni Tanya dahil pareho silang mga kila_lang showbiz personalities bukod pa siyempre sa kanyang pagiging isang public servant.

Uso ngayon ang baltuhan ng putik sa mga pulitiko at hindi siya spared dito.

"Kami naman ng Papa ko, hinaharap at sinasagot namin ang bawat isyu na ipinugpukol sa amin at wala kaming tinatalikuran," paliwanag pa niya.

Samantala, hindi maiaalis na maintriga ng husto si Mark hindi lamang sa usaping pulitika kundi maging sa kanyang estadong personal dahil six months pregnant ngayon ang kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino sa asawa nito at controversial figure ding si James Yap.
* * *
Isa na namang nakakatuwang episode ang matutunghayan ngayong gabi sa Bitoy’s Funniest Videos ni Michael V. na patuloy na sinusubaygba­yan at umaarangkada sa ratings. Ibang pakulo na naman ang ipapakita ni Bitoy (Michael V.) sa "Yari Ka!" portion. ganundin ang "Alpha Kappal Muks" ni K Brosas maging ang mga pasaway na Kikays sa "J4K".

Nananatiling unbeatable si Bitoy sa kanyang kakaibang programa kung saan kasama rin ang tagadlized version ng America’s Funniest Home Videos.
* * *
<[email protected]>

vuukle comment

ALPHA KAPPAL MUKS

BITOY

FUNNIEST HOME VIDEOS

FUNNIEST VIDEOS

MICHAEL V

TANYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with