^

PSN Showbiz

Mylene, Paolo, nasa isang bahay pa rin!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May balitang nagkakalabuan na sina Mylene Dizon at Paolo Paraiso at ang seksing aktres daw ang bagong karelasyon ni John Estrada. Pinabulaanan ito ni Mylene at sinabing magkaibigan lang sila ng ex-husband ni Janice de Belen.

Sa kabilang banda, sinabi ng aktres na magkasama pa rin sila ni Paolo sa isang bahay dahil gusto niyang makita ng anak nila, si Tomas na magkasama silang dalawa. Katunayan, kung magkakaanak uli si Mylene, gusto niyang si Paolo pa rin ang magiging tatay nito.

Maganda ang career ngayon ng aktres dahil after Captain Barbell, kasama uli ito sa Princess Charming kung saan siya ang mag-aalaga sa dalawang bata. May pagkakontrabida na naman ang papel na gagampanan nito.
Frank, Napapanood Na Sa Dos
Bagong alaga pala ni Direk Manny Valera si Frank Garcia, dating miyembro ng P4 at ex-boyfriend ni Sunshine Dizon. Napapanood ito sa Love Spell ng ABS-CBN at sa commercial ng isang brand ng gamot.

Tinanong namin nang maging guest ito sa ETC affair ng Solar kung bakit sila nagkahiwalay ni Sunshine.

"Basta’t nagkalamigan na lang kami pero, talagang love ko siya noon. Ngayon ay may girlfriend akong non-showbiz. Umaasa ako na sana’y magkaroon ako ng pelikula at matulungan ng aking manager para matupad ang aking pangarap sa buhay," aniya.
Jay, Balik-Bakekang
Gaano katotoo ang balitang may attitude problem pa rin si Jay Manalo kaya hindi nabibigyan ng pelikula ng Regal Films?

Mabuti na lang at mayroon siyang soap opera kung saan balik-Bakekang siya. Nakapagpahinga ito kaya nagmukhang bata ngayon.

Patindi nang patindi ang mga eksena sa Bakekang kaya consistent ito sa mataas na rating.
PNTM Finalist
Isa pang gustong manalo sa Philippines Next Top Model ay si Camille "Bambi" del Rosario, 5’7" at 23 years old. Nagtapos na ito ng Human Resources sa St. Benilde ng BS Management at nanalo sa competition ng BNY (Body Jeans) noon. Mahilig siya sa charity works at sinabing 5% ng kanyang kikitain ay mapupunta sa kawanggawa.

vuukle comment

BAKEKANG

BODY JEANS

CAPTAIN BARBELL

DIREK MANNY VALERA

FRANK GARCIA

HUMAN RESOURCES

JAY MANALO

JOHN ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with