^

PSN Showbiz

Dra. Belo walang panahon sa mga intriga

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Ang ganda ng trailer ng Zsa Zsa Zaturnnah na ipinalabas nang magkaroon ng press presentation ng mga characters ng movie. Supposedly ay magsusuot din sila lahat ng costumes, pero hindi lahat ay dumating na naka-costume.

Nag-gain na ng weight si Ms. Zsa Zsa Padilla at in fairness hindi na halatang kagagaling niya lang sa operation. Although habang itinuturo niya ang tahi sa may bandang tiyan, parang nasasaktan pa siya. Pero super sexy ng Divine Diva. Flat na flat ang kanyang tummy.

Kasi pala more than P100 million ang budget ng Zsa Zsa Zaturnnah kaya ang gandang lumabas ng project.

Last year, entry ni Ms. Zsa Zsa ang Ako Legal Wife. Grabe ang ganda ng pelikulang ‘yun. Tatawa ka talaga sa mga eksena. Sana like Mano Po, gawan din ng sequel ng Regal ang Ako Legal Wife na nagbigay sa kanya ng maraming best actress award.
* * *
Magpapasa ng resolution ang Cinema Evaluation Board (CEB) headed by Ms. Christine Dayrit para makakuha ng support ang comeback movie ng national artist na si Mr. Eddie Romero. Mahigit ding isang dekadang namahinga, 14 years to be exact si Mr. Romero sa paggawa ng pelikula.

Maximum tax rebate ang ia-apela ng CEB para sa nasabing pelikula ng nag-iisa nang national artist for film.

Comeback project niya ang Faces of Love starring Christopher de Leon, Alfred Vargas, Angel Aquino, Bembol Roco and Juliana Palermo.

Bilang national artist, deserving namang bigyan ng lahat ng suporta si Mr. Romero.

Aside from tax rebate, malamang na ma-grant din ang request ni Mr. Romero na makakuha ng P1 million assistance mula sa film fund ng Film Development Council of the Philippines.

Bukod sa pagiging director, siya rin ang producer ng Faces of Love.
* * *
Actually, tama ang decision ni Dra. Vicki Belo na huwag magsalita tungkol sa mga naglalabasang issue na personal na masyado.

Lately kasi ay naging issue ang pag-iingay ni Rosanna Roces at ng kanyang dating secretary na totoong nag-resign sa kanya.

Feeling ni Dra. Belo, useless na patulan ang issue instead mas nagko-concentrate sila sa mga bagong products na ilo-launch nila next year. Magkakaroon na kasi sila ng products sa supermarket na afford ng masa. Yup, by February, available na sa market ang kanilang products.

Ang only daughter niyang si Krystalle ang in-charge sa launching ng nasabing products.

Si Krystalle ang nag-iisang daughter ni Dra. Belo na kapatid ng director na si Quark Henares. "Sila ang mga anghel ko sa buhay," sabi ni Dra. Belo.

Very proud siya sa anak na director dahil ang ganda raw ng pelikula nitong Super Noypi na isa pang official entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival.

In fact, magpapalagay daw sila ng billboard ng nasabing pelikula sa North Mall para tumulong sa promo ng pelikula.

Anyway, instead nga naman na pag-usapan ang tungkol sa intriga na waste of time na mako-consider, concentrate na lang sa promo ng movie ng anak.

In the first place, ang nawalan naman ay ang dati niyang secretary na P5 million pala ang budget para sa mga inaalagaan niyang artista. A month ‘yun, take note at malaki ang suweldo kaya hindi nakakatakang mag-ingay siya.

Sa case ni Rosanna, forgiven na raw ito. Pero nakasalalay kay ‘Nay Lolit Solis ang desisyon kung iuurong niya ang kaso. Actually, willing naman si ‘Nay Lolit na patawarin ang dating alaga pag nakita niyang sincere ang dating sexy star na manghingi ng tawad.

vuukle comment

AKO LEGAL WIFE

ALFRED VARGAS

ANGEL AQUINO

BELO

DRA

FACES OF LOVE

MR. ROMERO

ZSA

ZSA ZSA ZATURNNAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with