^

PSN Showbiz

DJ Mo, tsinallenge ang sarili!

-
Tinutukso namin si Zsazsa Padilla alyas Zsa Zsa Zaturnnah na super sexy na naman siya ngayon dahil nag-gain na siya ng weight after her operation kaya’t nagbiro siyang "Hinihintay ko nga na alukin ako ng FHM eh."

Why not? Sa ganda at kinis ngayon ni Zsazsa ay hindi ba siya papasa bilang cover girl ng FHM Mag?

"Uy, ha, ako ang cover ng maiden issue ng UNO Mag, three years ago," biglang singit niya.

Nagustuhan nga raw niya ang treatment ng FHM sa kaibigan niyang si Pops Fernandez kaya gusto niyang maging cover din, kaya paging FHM, bakit hindi ninyo i-consider si Zsazsa sa next issues ninyo?

Tamang-tama, isi-celebrate ng Divine Diva ang kanyang 25th year anniversary sa entertainment industry sa year 2008 at sasalubungin daw niya ito next year (2007) by a big concert kaya’t magandang concept ito for magazine covers.

Anyway, tiniyak ng magandang partner ni Dolphy na panggigilan siya nito kapag nakita ang kanyang sexy Zsa Zsa Zaturnnah pictorials naka-bikini siya.
* * *
May ‘K’ palang maging judge sa isang singing contest si Mo Twister dahil sa performance night ng Philippine Idol last Sunday ay talagang inokray niya si Ken Dingle na sobrang sablay at Miguel Mendoza na hindi mo mawari kung ano ang gustong i-project sa stage samantalang napakaganda ng kantang "Hanggan."

Mega puri niya sina Jan Nieto at Pow Chavez dahil sila lang daw ang may K na maging PI na sinang-ayunan naman nina Mr. Ryan Cayabyab at Mamita Pilita Coralles.

At dahil super palpak si Ken ay nakipagpustahan si DJ Mo sa texters na kapag makikita pa rin next week ang aspiring idol from Australia ay magsusuot siya ng damit pambabae sa loob ng isang linggo dahil wala itong K maging PI base nga sa performances niya.

Samantala, tulad din ng Pinoy Dream Academy ay naglabas na rin ng album ang PI under BMG Music at ang carrier song ay ang "Kaleidoscope World" ng Final 12.
* * *
And speaking of Pinoy Dream Academy ay lusot na ang naghihingalong scholar na si Rosita Bareng ng Dubai dahil ang apat niyang nomination ay nabura na sa taas ng scores na nakuha niya sa last Saturday night performance niya in fact pangalawa siya kay Panky Trinidad ng Cebu sa may pinakamataas ng grade.

Maging ang jurors na sina Louie Ocampo, Jimmy Antiporda at Cookie Chua ay nagulat sa lakas ng mga hiyawan at palakpakan kay Rosita at ang sangkaterbang streamers niya, maging sa text votes ay lumalaban din ang pride ng mga DH kaya’t hinulaan siyang mapapasama talaga sa top 6.

Maging sina 8th and 9th expelled scholars na sina Chai Fonacier at Michelle Bond ay bilib sa fighting spirit ni Rosita dahil every week daw ay may ipinapakita itong kakaiba.

"We love ate Rosita, she has a good heart, grabe ang mga pinagdaanan niyang hirap sa buhay, palaban talaga siya," sabi ng dalawa, but unfortunately, hindi si Rosita ang kanilang bet para maging Grand Star Dreamer, either kina Yeng Constantino, Panky Trinidad at Yvan Lambatan.

Samantala, ang apat na nasa probationary period ngayong linggo ay sina Davey Langit ng Baguio, Jay-R Siaboc, Jr ng Cebu, Iris Furlerton ng California at Joan Ilagan ng Italy. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

CEBU

CHAI FONACIER

DREAM ACADEMY

MAGING

NIYA

PANKY TRINIDAD

ROSITA

SIYA

ZSA ZSA ZATURNNAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with