^

PSN Showbiz

Foursome sina Ara-Polo, Rufa-Erik sa HK!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Inamin ni Polo Ravales na sa mga nakaraang buwan ay nawalan sila ng panahon ni Ara Mina sa isa’t isa. Pero di ito nangangahulugan na nagkakalabuan na sila. Sunud-sunod kasi ang series of shows ng nobya sa abroad at ngayong Nobyembre 7 ay aalis na naman ito patungong Middle East for a series of shows. Abala naman sa taping at syuting ng pelikulang SuperNoypi si Polo habang nandito sa bansa si Ara.

"Gusto kong bumawi kaya bago umalis si Ara ay baka pumunta kami ng Hongkong kahit three days lang. Kasama namin ang bestfriend niyang si Rufa Mae Quinto at baka si Erik Santos," anang aktor.

Sa kabilang banda, enjoy si Polo sa kanyang role bilang si Euen sa SuperNoypi na gumagamit ng black magic. Magkapatid sila ni Sandara Park at madalas silang mag-away.

"Ang treatment ng pelikula ay parang X-Men na pang-adult," sey pa ni Polo.
Mark, Nililigawan Si Nicole
Magkakaroon ng dance concert si Mark Herras sa December 1 sa Metro Bar. Baka sa December 14 ay bumalik sila ni Jennylyn Mercado sa New York para sa promosyon ng I Love New York dahil ipalalabas ito dun.

Inamin ni Mark na nililigawan niya si Nicole Anderson at dalawang buwan na niya itong sinusuyo dahil nababaitan siya rito. Magiging maganda ang kanyang Pasko kapag sinagot siya nito. At least di na siya loveless.

Kasama siya sa SuperNoypi at may power ito ng telekinesis, napapagalaw nito ang mga bagay.
Halloween Sa Sis
Hahataw ang ating mga Kapusong paslit sa iba’t ibang challenges ng pang-trick or treat. Magkakaroon ng tagisan ng bilis, imahinasyon at diskarte ng team ng Mamaw Halimaw (BJ Forbes-Sandy Talag), Mumu Multo (Eisen Bayubay-Sam Bumatay) at Rah-Rah Bampira (Gabriel-Eunice Lagunsad).

Bukod sa mga challenges, magpapakitang gilas din ang mga kids sa masasayang Halloween inspired musical numbers.
Blind Item: Two Timer Ang Sikat Na Aktor?
Kaya pala imbyerna ang isang sikat na aktor na si A sa kasamahang si aktor B ay dahil may pagka-two timer din pala ito. Noong kasalukuyang nililigawan ni Actor B ang isang young actress ay nagti-text din pala ito sa kapatid ni aktor A kung saan nililigawan din ito.

Pag nagkaroon ng celebrity boksing, gusto ni aktor A na magkasubukan sila ni aktor B na nanligaw sa kanyang kapatid na nag-aartista rin.

vuukle comment

ACTOR B

AKTOR

ARA MINA

BLIND ITEM

EISEN BAYUBAY

ERIK SANTOS

EUNICE LAGUNSAD

HALLOWEEN SA SIS

I LOVE NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with