^

PSN Showbiz

‘Ang kapal ng mukha mo DJ Mo’ – Lolit Solis

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Teka join nga ako sa issue ng has been TV personality na si Mo Twister.

OA na kasi siya sa mga sinasabi against Tita Lolit Solis na kesyo walang credibility dahil nasangkot na ito sa scam at maging sa host ng The Buzz na sinabi niyang mga illiterate.

Hoy DJ Mo, mauntog ka nga o uminom ka ng kape para naman medyo kabahan o magka-nerbiyos ka ng konti.

Parang sobrang lakas ng loob mo bro para magbigay ng negative comments sa mga showbiz authorities.

Hey dahan-dahan lang bro. Or tama rin ang sinasabi ni Nay Lolit na baka malaki ang nabi-benefit nitong si DJ ng FM station in terms of free publicity kaya enjoy siyang magpa-interview sa mga issue na wala namang relevance.

Say ni Nay Lolit: "Ang cheap-cheap ni Mo dahil itsurang nagda-drive sa kalye, sige siya sa pagpapainterbyu at nang ma-realize niya na may problema sa signal, ipinarada niya ang kanyang sasakyan para magkarinigan sila ng interviewer.

"‘Yun ba ang hindi sabik sa showbiz? Ganoon ba ang walang balak bumalik sa showbiz? Ang sabi nga ni Vilma Santos sa isang pelikula nito, "para siyang isang carinderia na bukas sa lahat ng oras."

"Ano ang karapatan ni Mo na sabihin na wala akong kredibilidad? Ang kapal ng mukha niya para magsabi na mga illiterate ang mga host ng The Buzz!

"Masahol pa sa babae si Mo sa pagtalak. Daig pa niya ang isang bading. KSP na KSP siya. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit hate na hate siya ni Bunny Paras."
* * *
Dahil sa love sa music, kahit abala sa kanyang negosyong optical centers, naglilibang si Mrs. Vivian Sarabia sa pag-produce ng concert ng MYMP na magkakaroon ng sentimental tour. "Naghahanap lang ng mapaglilibangan," casual na sagot niya during the presscon of the said concert ng MYMP last Tuesday over lunch sa Red Crab. Tinanong kung paano pa niya nasisingit ang oras sa pagpo-produce.

Saka sobrang hilig daw sa music ni Mrs. Sarabia.

Partner niya sa kompanyang ViKtory8 ang broadcast journalist na si Korina Sanchez bilang creative ng MYMP, The Sentimental Tour 2006.

Hindi ito ang first time na nag-partner ng concert sina Mrs. Sarabia and Ms. Korina. Two years ago, magkasama rin sila sa Amazing Retro Revolution.

Pero nang tanungin si Mrs. Sarabia kung bakit ang MYMP ang favorite niya, sina Martin Nievera and Gary Valenciano ang dream niyang mai-produce. Although aware siya kung gaano kasikat ang MYMP dahil lahat ng tanungin niya, kilala at fan ng Make Your Momma Proud.

Kaya ngayon, ready na ang MYMP sa kanilang tour — Iloilo City (CPU gym), Bacolod City (De La Salle gym) October 14, Manila, Folk Arts Theater (October 20) and Cebu City, The Waterfront Hotel Ballroom (October 28). For ticket inquiries, visit Ticketworld outlet or please text or call 0918-4216160 or 0921 4122357.

More on Korina. When we bumped into her nga sa presscon ng MYMP, parang sobrang busy na nga siya tapos ngayon producer pa siya, eh paano na si Sen. Mar Roxas? "Sinisingit-singit." Every when: "Tuwing weekends," sagot niya.

Ang dami niya kasing trabaho lalo na no’ng gawin niya ang Korina Today sa ANC. Practically, siya lahat ang gumagawa ng trabaho sa production ng nasabing show na daily napapanood sa news channel ng ABS-CBN. Nagsusulat siya ng script, nadidirek at nag-aayos ng mga guests.

Aside from Korina, meron pa siyang Balitang K and Bandila kaya wala na rin siyang masyadong time sa lovelife.

At any rate, kararating lang ng MYMP sa bansa mula sa kanilang US Tour.
* * *
Ending na tomorrow night ng Bituing Walang Ningning. Exciting ang ending dahil sa mismong Araneta ito naganap almost three weeks ago. Showdown as in showdown ang mangyayari between Sarah Geronimo and Angelika dela Cruz.

Anyway, sa Friday din ang simula ng airing ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang Maging Sino Ka Man. Nag-give way ang Maalaala Mo Kaya para sa first episode ng Maging Sino Ka Man starring John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Anne Curtis, Sam Milby with Christopher de Leon, Smokey Manaloto, Chin Chin Gutierrez, Bing Pimentel, Dick Israel among others. Kaya sa Monday, second episode na ang ipapalabas.

Base sa trailer, glossy ang teleserye at parang pelikula ang treatment. Marami rin daw flesh na ipakikita rito sina John Lloyd, Anne and Sam.

Ganun... In fact, nag-gym pa raw si John Lloyd para sa role niya rito na isang mahirap na mai-in love sa anak ng isang super yaman.

Sayang at wala si Christopher de Leon during the presscon. Nasa concert tour daw ito with Kuh sa America. First time kasi ng magaling na actor na makasama sa Kapamilya teleserye na muntik pa noong maudlot.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]

vuukle comment

AMAZING RETRO REVOLUTION

ANNE AND SAM

JOHN LLOYD

MAGING SINO KA MAN

MRS. SARABIA

MYMP

NAY LOLIT

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with