^

PSN Showbiz

Teri, pinabalik na sa ‘Lagot Ka...’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Maganda ang ginawa ni Jolina Magdangal sa presscon ng Hoooo U? Pinaalis niya muna ang karamihan sa press people saka, lumapit kay Alfie Lorenzo na nasa Cafe Karabana rin that time. Sabi ng isang eyewitness, pagkatapos bumati ng singer-actress, nagkwentuhan na silang dalawa. Narinig pang biniro ng talent manager ang dalaga na maganda ang paglipat niya sa GMA-7.

Ang hindi nakita ng aming source ay kung nagbatian din sina Alfie at ang parents ni Jolina, lalo na si Mr. Jun Magdangal na alam na may isyu sa talent manager. But the mere fact na sumama sila sa anak at alam na puwedeng makita si Alfie, ang ibig sabihin ay handa silang makipag-batian.

Samantala, hindi makasagot si Jolina nang usisain ni Marvin Agustin kung totoong may balak na silang pakasal ni Bebong Muñoz next year? Tawa lang ang isinagot nito sa pasigaw na tanong ng kapareha sa horror-adventure show lalo na nang sabihing, uunahan pa siya nitong magpakasal.

Sabi naman ni Jolens, wala pa talagang concrete plans lalo’t busy si Bebong sa pag-ikot sa second district ng Caloocan City bilang paghahanda sa pagtakbong congressman. Saka, hihintayin daw niya itong mag-propose muna. "Alangan namang ako ang mag-propose," say ni Jolens.

Limang linggo tatakbo ang Hoooo U? at ang StarStruck 4 The Next Level ang ipapalit na isa rin sa host si Jolens. Ibig sabihin, hindi siya mawawala sa Sunday evening programming ng Ch. 7.
* * *
Gagawa ng pelikula sa Regal Entertainment ang dating mag-dyowang Joross Gamboa at Roxanne Guinoo. Kasama sila sa cast ng MRT episode ng Shake, Rattle & Roll 6 na entry sa Metro Manila Film Festival.

Kahit tapos na ang relasyon, puwede pa namang magtrabaho ang dalawa’t may tinapos nga silang episode ng Love Spell. Sabagay, priority naman yata nila ang kanilang trabaho at ‘di ang love life kaya, okey lang kung hiwalay muna sila’t magbalikan na lang kung feel pa ang isa’t isa.
* * *
Sa November pa ang punta ni Alfred Vargas sa Malaysia para mag-shoot ng Season 8 ng Now & Forever (Muli) pero, pinu-problema na nito ang maiiwang girlfriend na si LJ Reyes. Hindi raw alam ng actor ang gagawin na magkakalayo silang dalawa at isang buwan pa. Tiyak daw na mami-miss niya ito gaya nang nangyari nang mag-shoot siya for one week ng Gigil sa Boracay.

Kahit ang seksing si Katrina Halili ang kasama niya sa Boracay at marami pang naggagandahang dalaga, si LJ ang hinanap nito. Tuwang-tuwa ang actor nang matapos ang shooting dahil makakabalik na siya ng Maynila at makikita ang gf.

Dahil pala sa Muli, inalis sa Asian Treasures si Alfred. Magkakasabay daw ang taping ng dalawang show at mahihirapan ito sa kanyang schedule. Next year na lang siya isasama sa soap ng GMA-7. Magandang project din naman ang Muli dahil sa Malaysia ang location at top Malaysian actress ang kanyang makaka-pareha. Ang ibang Pinoy actors na kasama sa cast ay dito na sa ‘Pinas kukunan ang mga eksena.
* * *
Ipinakausap sa amin ni Dinno Erece sa phone si Felix Roco na nasa taping ng Fantastikids. Agad nag-sorry ang bagets hindi pa man kami nagsasalita. Obviously, ipinaalala sa kanya ng kaibigan namin ang bad experience namin sa young actor nang interbyuhin namin noong nasa ABS-CBN pa ito.

Nag-i-interview kami’y panay ang pagti-text nito kaya, ni-request naming saka na siya mag-text ‘pag tapos na naming siyang kausapin. Hindi niya kami pinagbigyan at sumimangot pa kaya, ang ginawa namin ay nilayasan siya. Iyon ang first at last namin siyang ma-interview hanggang, malaman naming nasa Ch. 7 na siya.

Nag-sorry si Felix kahit belated. Kinagalitan daw siya ng kanyang handler dahil doon. Hindi rin daw siya pasaway at ang pagiging bata ang inirason sa ikinilos.

Nabanggit pala nito na hindi sila nawala ng kakambal niyang si Dominic sa Fantastikids at tuluy-tuloy ang kanilang labas. Pinaikli raw ang labas nila sa Super Inggo dahil exclusive na sila sa Ch. 7.

Natuwa pala kami sa nalamang puro taga-StarStruck ang guests ng Fantastikids sa nasabing episode at regular na si Ryza Cenon. Bakit hindi pa nila gawing regular ang avengers ng SS na walang regular show?
* * *
Ang ganda ng ngiti ni Teri Onor nang marinig ang "Welcome back" ni Ms. Lilybeth Rasonable patungkol sa kanya sa presscon ng Hoooo U? Five to six months nga naman siyang ‘di nakalabas sa mga show ng GMA-7 at sa Eat Bulaga lang napapanood na produced ng TAPE dahil sa nangyari sa kanila at cast ng Lagot Ka Isusumbong Kita. Pero, pagkatapos niyang mag-sorry, balik-Ch. 7 siya at bukod sa Monday sitcom, kasama rin siya sa horror-adventure-comedy na magpa-pilot sa October 8. Masaya rin siya sa pagbabalik niya sa Lagot Ka at para raw walang nangyari nang mag-report siya for taping. Na-playtime muna siya at pagkatapos niyakap siya nina Richard Gomez, Joey Marquez, Raymart Santiago, Benjie Paras at ibang cast. Nanghinayang lang si Teri na ‘di siya nakasama sa Asian Cruise ng cast na aalis sa Sabado dahil nahanda yun nang hindi pa siya nakakabalik.

vuukle comment

CENTER

FANTASTIKIDS

HOOOO U

JOLENS

MAG

MULI

NANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with