^

PSN Showbiz

Jasmine, narito para sa Philippine Idol

-
Umabot na ba ng isang season o 13 episodes ang Pinoy Meets World nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao? Hindi kasi namin napanood ang nasabing programa ni minsan kaya hindi namin knows kung maganda ba o hindi ang kapalit ng natsuging Extra Challenge.

Kaya namin naitanong kung umabot ng isang season ang PMW ay dahil ikinakasa na ang kapalit nitong programang Hooooo U? na ang cast ay sina Marvin Agustin, Princess Violago, Patrick Garcia at Jolina Magdangal.

Sitsit sa amin ng taga-GMA-7 ay horror/comedy ang concept nito at ang bumuo ng Chaka Doll ang nasa likod ng Hooooo U?

Dagdag pa na kapag nag-rate ang bagong programa ay ie-extend ito unlike Chaka Doll na maski na mataas ang ratings ay ‘pinatay’ na kaagad ang programa dahil limited lang daw ang viewers nito.
* * *
Ang swerte naman ng finalists ng Philippine Idol dahil nasa bansa si Jasmine Trias para bigyan sila ng moral support at ka-join ang former American Idol star sa gaganaping semi-finals ng girls category ngayong Linggo na gaganapin sa Cinema 3 ng Megamall.

Tsika sa amin ng taga-PI ay mas stiff daw ang competition dahil mas maraming magagaling sa babae kumpara sa mga lalaki, bagay na hindi naman pinaboran ng isa sa huradong si Francis M dahil para sa kanya, manggagaling sa mens category ang first grand champion ng Philippine Idol.

Sabi naman ni Ms. Pilita Corrales na maski na binigyan nila ng malaking puntos ang isang contestant, kung talo naman ito sa text votes ay wala rin, kaya depende raw sa text votes ang winner.

Samakatuwid, paramihan ito ng pera kung ganu’n?

Pero para sa host na si Ryan Agoncillo, "I’m sure the viewers will use their heads para iboto ang talagang magaling at may talent. Siguro naman hindi sila papayag na maubos ang pera nila sa hindi naman sure winner."
* * *
Mukhang nanganganib ding ma-nominate for expulsion si Rosita ng Dubai ngayon, Sabado sa 1st nomination night ng Pinoy Dream Academy dahil halos iisa ang reklamo sa kanya ng mga teacher niyang sina Moy Ortiz, Gege Malalad at Maribeth Bicharra mareklamo siya!

Palaban kasing sumagot si Rosita, palibhasa hindi rin biro ang pinagdaanan sa buhay at ayaw niya ng feeling na naaapi siya kaya parati siyang may sagot sa lahat ng bagay.

Hindi pupwede sa showbiz ang ganung attitude, tiyak na araw-araw siyang headline sa pahayagan pag nagtuloy siya sa showbiz. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

AMERICAN IDOL

CHAKA DOLL

DREAM ACADEMY

EXTRA CHALLENGE

FRANCIS M

GEGE MALALAD

HOOOOO U

PHILIPPINE IDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with