^

PSN Showbiz

18 buwan tatakbo ang Bakekang

RATED A - Aster Amoyo -
Ngayong araw na ito ang dating ni Willie Revillame mula Las Vegas. Abangan natin kung magsasalita na siya tungkol sa balitang naghiwalay na sila ng asawang si Liz Almoro na ilang araw na ring nasusulat sa mga movie columns. May balita rin na nakikipag-usap na si Liz sa kanyang lawyer dahil magpa-file na siya ng annulment laban sa asawa.

Abangan natin kung ano ang sasabihin ni Willie Revillame
* * *
Mukhang very happy si LJ Reyes sa pagmamahal ng boyfriend na si Alfred Vargas, kasi tumaba siya ngayon at kitang-kita ito sa TV noong mag-guest siya sa Sis noong isang araw. Very open na nga ang dalawa at ibinuking ito ng mga hosts ng morning show dahil nakita pala nila nang ihatid si LJ ni Alfred Vargas. Sinundo pala nito at inihatid si LJ sa studio, pagkatapos ay umalis na para sa shooting nito ng Gigil with Katrina Halili sa Regal Entertainment.
* * *
Naninibago talaga si Sheryl Cruz sa kanyang kontrabida role sa Bakekang. Minsan daw sumasakit ang ulo niya sa pag-i-internalize niya sa kanyang character. Kahit daw ang kanyang dialogue, naninibago siya at may words nga raw siyang madalas sabihin ang "that bitch," at tinanong daw niya sina Direk Khryss Adalia at Direk Gil Tejada, kung hindi raw iyon papansinin ng MTRCB. Madalas daw, bago sila mag-take, kinakausap niya ang mga kasama niya na hindi personal ang gagawin niya sa eksena, trabaho lamang iyon, lalo na kay Sunshine Dizon, na todo talaga ang panlalait at pananakit na gagawin niya rito.

Naikuwento rin ni Sheryl after ng presscon ng Bakekang, na hindi na raw siya masyadong mami-miss ng husband niyang si Norman Bustos dahil mayroon na silang GMA Pinoy TV sa kanila sa San Francisco at mapapanood na raw siya nito lagi. Nang mag-guest nga raw sila ng anak na si Ashley sa SOP, tuwang-tuwang tumawag sa kanya si Norman at sinabing napanood niya ang kanyang mag-ina. Naiintindihan daw naman ni Norman ang kanyang trabaho at nagpaalam siya rito na medyo matatagalan bago sila makauwi ulit ni Ashley sa San Francisco dahil tatagal ng 18 months ang bago nilang soap.

ABANGAN

ALFRED VARGAS

ASHLEY

BAKEKANG

DIREK GIL TEJADA

NIYA

SAN FRANCISCO

SIYA

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with