^

PSN Showbiz

PBBTE’s Matt Evans gets his biggest break!

-
Napaka-swerteng maituturing ni Matt Evans dahil hindi naman siya grand winner ng Pinoy Big Brother na tulad ni Nene Tamayo o ni Keanna Reeves pero, tulad ni Sam Milby na isa ring finalist lamang pero, ginawa nang bida ng ABS CBN di lamang sa TV (Crazy For You) kundi maging sa pelikula ng Star Cinema (You Are The One), ay bida na rin siya hindi sa isang palabas kundi sa isang serye, ang Komiks Presents: The Adventures of Pedro Penduko na tatlu-tatlong direktor pa ang humahawak (Jerome Pobocan, Don Santos at Trina Dayrit) at tatampukan din ng isang malaking cast (Gloria Romero, Bembol Roco, TJ Trinidad, Kitkat, DJ Durano, Melissa Ricks, Olyn Maimban, Albert Martinez at Agot Isidro).

Sa serye, tatangkaing iligtas ni Pedro Penduko ang kanyang ama sa kamay ng masasamang engkanto sa kaharian ng Floreshka.
* * *
Papayag ba namang patalbog si Allen Dizon sa mga bagets na co-stars niya sa Twilight Dancers ng Centerstage Production?

Nanood siya ng mga pelikulang may mga ganitong tema (Macho Dancers, Sibak, Burlesk King) bilang paghahanda sa pelikula. Nag-workshop din siya at nagaral ng macho at ballroom dancing.

"Naging DI ako kasi ng mga matrona sa movie pagkatapos na ma-dethrone ni Tyron (Perez) bilang star macho dancer," ani Allen who is optimistic sa kahihinatnan ng Twilight Dancers sa sasalihan nitong Toronto International Film Festival.

Nag-gay bar tour din si Allen at dito niya nakita ang buhay ng mga macho dancer. Nagpapayat din siya ng husto para maging fit sa role niya at hindi mapag-iwanan ng mga bagets na kasama niya sa pelikula (Tyron, Lauren Novero, JE Sison, Terence Baylon, Kris Martinez). Hindi naman nasayang ang efforts niya, the movie will more then prove na sexy pa rin si Allen.
* * *
Si Maja Salvador na nga ang susunod na "Pinakamahalagang Aktres sa Henerasyon Niya!

Pagkatapos makatanggap ng papuri sa kanyang mga pagganap sa iba’t ibang teleserye at drama anthologies at tagumpay sa boxoffice bilang kabahagi ng Sukob, ipakikita niyang muli ang galing niya sa isang youth oriented movie, ang First Day High na tatampukan ng lima sa pinaka-sikat na young stars ngayon, siya, si Kim Chiu, Gerald Anderson, Geoff Eigenmann at Jason Abalos. Mula sa direksyon ng bagito pero napakagaling na si Mario Cornejo at sa panulat ni Jade Castro.

Isang sosing high school stude si Maja, brainy naman si Kim, MVP si Gerald, Mr. nice guy si Jason at rebel boy naman si Geoff.

Palabas sa Set. 27 sa mahigit na 100 na sinehan. — VERONICA R. SAMIO

vuukle comment

ADVENTURES OF PEDRO PENDUKO

AGOT ISIDRO

ALBERT MARTINEZ

ALLEN DIZON

BEMBOL ROCO

BURLESK KING

CENTERSTAGE PRODUCTION

CRAZY FOR YOU

TWILIGHT DANCERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with