^

PSN Showbiz

Gov. Mark seryoso kay Tanya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Mukhang seryoso si Gob. Mark Lapid kay Tanya Garcia gaya nang naikwento ng aking source.

Nang magdaos ng kaarawan ang magandang aktres ay binigyan ito ng surprise party ni Mark. Higit sa lahat may bonding na ang pamilya ng aktres sa gobernador at dinala pa nito ang mga magulang ni Tanya sa Pampanga at ipinakilala sa kanyang pamilya.

Kunsabagay bagay naman ang dalawa at pareho silang loveless ngayon. Boto naman ang pamilya ng aktres kay Gov. Mark dahil mabait ito at magalang.

Sa kabilang banda, abala si Mark sa syuting ng Tatlong Baraha under Violett Films na magiging entry nito sa darating na Metro Manila Film Festival kasama sina Sen. Lito at Meynard.
Lovi, Nakatikom Na Ang Bibig
Ayaw nang magsalita ni Lovi tungkol sa namayapang ama dahil napagbintangan siyang sinungaling. Basta’t ang mahalaga ay totoo naman ang kanyang sinasabi. Ngayon ay tikom na ang bibig nito para huwag nang maintrigang muli.

Maganda ang simula ng magandang dalagita dahil bukod sa pagiging magaling na singer ay binigyan agad ito ng malaking break ng Syete para gawing bida sa Love To Love Musicale (Jass Got Lucky) katambal si Cogie Domingo.

Paano niya ilalarawan si Cogie?

"Sobrang bait niya at sobrang lambing. Kilala na siya ng mommy ko at ipinakilala na nya ako sa kanyang pamilya," sey ni Lovi.
Lagi nitong tinatandaan ang bilin ng ina na maging matatag sa pagharap sa mga intriga.
BLIND ITEM:Nakakatulog Nang May Kutsara Sa Bibig
Ayon sa isang reliable source na kaibigan naming taga-showbiz huwag sisihin kung nale-late sa afternoon show ang sikat na komedyante at singer. Matindi ang insomia nito ayon sa aming kausap kung saan gising ito sa buong magdamag at hindi talaga makatulog kahit anong gawin.

Natutulog na ito ng 6NU at minsan sa sobrang puyat ay nakakatulog ito sa mesa o hapag kainan na may nakasubong kutsara sa bibig. Ibang klase ang oras ng kanyang tulog at ito’y ginagawa sa araw kaya di masisisi kung bakit naka-shades ito minsan kapag may show lalo na sa tanghali para takpan ang mata na marahil ay maga dahil sa puyat.

Buhay na buhay ang singer-comedian sa gabi dahil grabe ang insomia nito. Minsan ayon pa sa aking source ay naiiyak ito sa pagka-imbyerna dahil gustuhin man niya ng normal na pagtulog sa gabi ay di naman niya magawa.

Magaling na singer at komedyante si ____________ na ratsada sa telebisyon gayundin sa mga shows o concert sa loob at labas ng bansa. Galing ito sa angkan ng mga artista.

vuukle comment

COGIE DOMINGO

JASS GOT LUCKY

LOVE TO LOVE MUSICALE

LOVI

MARK LAPID

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAKAKATULOG NANG MAY KUTSARA SA BIBIG

NAKATIKOM NA ANG BIBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with