^

PSN Showbiz

Heart Evangelista, nadaganan sa Denim show, leeg na-injure

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Ang mag-dyowang Heart Evangelista at Jericho Rosales pala ang nadaganan ng vocalist ng 6Cyclemind nang mahulog habang nagpe-perform sa stage sa ginawang Denim show ng Penshoppe. Malaki ang katawan ng actor at hindi masyadong nasaktan kaya, ang girlfriend ang napuruhan.

Nakita sa x-ray nang dalhin sa St. Luke’s si Heart na nagkaroon siya ng neck injury at naging straight daw ang leeg na ‘pag normal pala’y dapat may curve ng konti. Pero, kahit may sakit na nararamdaman, tinapos nito ang show at kahit gusto na siyang dalhin ni Jericho sa hospital dahil nabahala sa nangyari sa kanya.

Natuloy din ang paglo-launch kay Heart ng ABC 5 kahapon bilang host ng update ng Philippine Idol. Simula ngayong Lunes, Monday to Friday siya mapapanood every 8pm na magbibigay ng update at trivia ng show.

Mas pinayagan daw si Heart ng ABS-CBN na tanggapin ang offer ng Ch. 5 kesa panibagong offer ng GMA-7. May mag-deny man sa balitang ito, ipinagdidiinan ng aming source na may offer na show ang Ch. 7 kay Heart.
* * *


Isang oras pala ang inaabot sa paglalagay ng prosthetics kay Sunshine Dizon para sa role niya sa Bakekang. Dusa ang actress dahil mainit ngayon at laging sa labas ang kanilang taping. Maayos na ang taping ng teledrama pagkatapos ng konting kaguluhan last week at tuloy ang pilot nito sa September 11, kapalit ng I Luv NY.

Alam ni Sunshine na mataas ang expectation sa kanya ng viewers lalo na ang Noranians dahil si Nora Aunor ang unang gumanap sa role na pino-portray niya ngayon. Nangako itong gagawin ang lahat sa tulong ng directors, writers, co-stars at staff.

Alas-sais ng umaga ang call time ni Sunshine ‘pag may taping kaya, alas-kuwatro palang ay nagpapasundo na sa kapatid para ihatid siya sa location. Sa Metro Manila lang ginagawa ang taping kaya, mabilis na nakakalipat ng location ang cast.

Samantala, ipinakita ng GMA-7 management ang tiwala at importansya kay Sunshine. Sa invite na ipinadala sa press para sa presscon this Monday, litrato lang nito na naka prosthetics ang nakalagay.
* * *


May nakausap kaming actor na Kapamilya na gustong tumulong sa mahihirap na nai-feature sa isang episode ng Reporter’s Notebook ng GMA-7. Gusto nitong tumulong pero, hindi alam kung paano. Pati kami tinanong kung paano at kung sino ang dapat tawagan sa rival network ng ABS-CBN.

Ang kasama naming reporter na nag-i-interview din sa actor ang nagturo rito kung sino ang dapat tawagan sa Ch. 7. Puwede rin niyang padaanin ang kanyang tulong sa GMA Kapuso Foundation ni Mel Tiangco. Ang isa pang suggestion ay tawagan niya ang mga kaibigang artista sa Ch. 7 at sa kanila niya ipadaan ang anumang tulong na ibibigay niya.

Hindi na namin isinulat ang pangalan ng actor at baka ayaw ipaalam ang gagawing pagtulong. Ang nakakatuwa’y, kahit taga-Ch. 2 siya’y, handa pa ring tumulong sa na featured ng kalabang programa ng Dos kung saan siya konektado.
* * *


May grand audition ang Pinoy Pop Superstar 3 ngayong araw, September 4 at bukas, Sept. 5 gaganapin sa Premiere Cinema ng SM Mall of Asia sa Pasay City, 10 a.m. ang audition. Dapat may kakaibang galing sa pagkanta ang mag-o-audition, may versatility, and between 15 to 23 years old. Magdala ng birth certificate, picture at minus-one CD.

Pupunta rin sa MOA ang past winners ng PPS na sina Jonalyn Viray at Gerald Santos at ang resident judges ng singing search na sina Danny Tan, Floy Quintos at Ronnie Henares.
* * *


Huling linggo na ng I Luv NY this week, September 4-8. Hindi lang engrande ang finale ng unang soap na kinunan sa Big Apple, magbibigay din ng chance ng GMA Network ang viewers na makapunta ng New York.

Bilang pasasalamat sa pagsubaybay sa soap, may trip for two sa New York na mapapanalunan at may kasama pang $1,000 pocket money. Patuloy lang na tumutok hanggang sa Friday at alamin ang mechanics kung paano makasali sa texting promo. Kailangan lang i-text ng viewers ang sagot sa trivia questions sa bawat episode. Sa Sept. 10 malalaman kung sino ang mananalo sa promo.

vuukle comment

BIG APPLE

CENTER

DANNY TAN

FLOY QUINTOS

GERALD SANTOS

HEART EVANGELISTA

I LUV

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with