Alyssa, mali-mali o bobong talaga?
September 2, 2006 | 12:00am
Hindi uso ngayon ang mga sexy movies kaya ang mga mens magazines tulad ng FHM na lamang ang nagpi-feature ng mga sexy pictorials ng mga kilalang artista. Kung naging controversial ang FHM cover ng concert queen na si Pops Fernandez dahil sa naging komento ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera, tiyak na marami rin ang magugulat sa pagpayag ng young actress na si Ehra Madrigal bilang cover ng FHM sa buwan ng September. Sabagay hindi naman kataka-taka dahil may mukha at katawan naman talaga si Ehra na maipagmamalaki.
Si Ehra ay talent ni Annabelle Rama at ng GMA-7 habang ang kanyang kapatid na si Michelle Madrigal ay nasa bakuran ng ABS-CBN. Ang pagpapaseksi ni Ehra ay hindi rin kataka-taka dahil ang kanyang inang si Karla Kalua ay isa sa mga sexy stars nung dekada otsenta.
Si Ehra ay regular na napapanood sa SOP Gigsters at Majika.
Nung nakaraang August 17, 18, 24, 25, 31 at September 1 ay natunghayan si Gary V. ng ilang gabi ng concert sa Music Museum na pinamagatang Gary V @ 23 at huli itong mapapanood sa Sept. 8. Dito ay musical director niya si Mon Faustino at si Paul Soriano naman ang nagdirek ng ilan sa kanyang mga videos sa concert kung saan niya naging special guest si Regine Velasquez at anak na si Kiana Valenciano. Naging special guest din ang isa pang anak ni Gary V. na si Gabriel.
Hindi napipikon si Alyssa kapag pinagtatawanan siya sa tuwing magsasalita siya ng English at sa halip ay natutuwa pa siya dahil nakakapagpasaya siya sa ibang tao.
Bukod sa Eat Bulaga, si Alyssa ay mapapanood sa final season ng Love to Love Season 12, ang Jass Got Lucky kung saan tampok sina Lovi, Cogie Domingo, Joey Marquez, Bianca King, Ryza Cenon, Iwa Moto, Gian Carlos, Chuck Allie, Vaness del Moral, Arci Munoz at Nikki Bacolod.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended

























