^

PSN Showbiz

Kamuntik nang maging announcer

-
Kung hindi inagaw ng showbiz si Izzy Trasona, maaaring naituloy niya ang pag-aaral ng Masscom sa University of Perpetual Help. Second year na kasi si Izzy sa AB-Masscon nang mabigyan ng break na makasama ng Sexbomb. Talaga raw tumatakas sa bahay si Izzy para mapanood ang Sexbomb.

"Hilig ko talaga ang dancing, singing at acting," say ni Izzy na ang real name ay Charizza Ann S. Trasona. Birthday niya nung March 12 at mahilig siya maglaro ng volleyball. Sabi ng manager nilang si Joy Cansio ay napakamahiyain daw ni Izzy kaya hindi nila akalaing bobongga ito.

"Naisip ko kasi, wala namang mangyayari kapag pulos hiya ang iisipin ko. Minsan lang dumating ang opportunity kaya’t kinakalimutan ko ang hiya," aniya.

Hindi niya makakalimutan na nung may kissing scene siya kay Justin Cuyugan ay nanlamig siya. Natawa nga si Justin dahil naramdaman nito ang panginginig ng kapareha.

"First ko kasi yun, kaya kabang-kaba ako. Hiyang-hiya ako," say niya sa amin.

Paboritong artista ni Izzy si Richard Gomez kahit sabihing taklesa ito dahil sa pakikialam kina Piolo at Erik. Gusto raw ni Izzy na kapag magbibida siya sa pelikula, kung may magbibigay ng break sa kanya, si Richard ang makapareha niya. Type pala niya ang mga morenong lalaki at malaking katawan at maganda ang mata.

Babaeng babae si Izzy, kasi paborito niyang kulay ay pink. Sinigang naman ang paborito niyang ulam. Sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez naman ang paborito niyang artista. — Vir Gonzales

vuukle comment

CHARIZZA ANN S

IZZY

IZZY TRASONA

JOY CANSIO

JUSTIN CUYUGAN

REGINE VELASQUEZ

RICHARD GOMEZ

SEXBOMB

SINA SHARON CUNETA

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with