^

PSN Showbiz

Pati ba naman si Gary V, iniintriga?

-
Sino ba naman ang mag-aakalang pati si Gary Valenciano, na kilala sa pagiging mahusay na talento ay maiintriga pa rin?

"No, hindi siya aalis ng ABS-CBN," sabi ng isang taga-Genesis Entertainment sa mga nagtatanong kung totoong aalis na ito sa programang ASAP tulad ng kaibigan niyang si Martin Nievera. May planong umalis si Gary, pero pansamantala lang dahil mag-aaral siya ng Music Production sa Amerika. Tina-target ni Gary ang international gospel music.

Kari-renew lang pala ng kontrata ni Gary sa ABS at kasali sa pinirmahan niya ang kasunduang sa tuwing nasa Pilipinas siya ay lalabas siya sa ASAP. Mukhang hindi naman magtatagal, mawawala si Gary dahil may gagawin itong pelikula kasama ang mga anak.

Ang isang ipinagtataka ni Gary ay ang intrigang nadawit ang pangalan niya sa umano’y awayang John Estrada-Jericho Rosales dahil kay Heart Evangelista. "Hindi ako pwedeng makialam kahit kanino," sabi ni Gary. Ginawa lamang daw niya ang inaakala niyang nararapat,ang paglubagin ang loob ng mga taong nasasangkot, bilang isang kaibigan. Maliban doon ay wala na.

Naiintriga rin si Gary dahil sa pagiging Genesis talent ni Jericho. "Lalong hindi ako nakikialam sa managerial matters." His wife, Angeli, who heads the entertainment company, is the one who knows the ins and outs of being a talent.

Natatawa na lang daw siya kung ang pagdating ng mga intriga ay indikasyon ng nalalapit niyang pag-aartista. "But they’ll get disappointed," sabi pa ni Gary, dahil ang mga intriga raw niya ay pawang "safe intrigues." Pero kung totoo ngang bahagi ng kanyang muling pag-aartista ang mga intriga, tatawanan lang daw niya ang lahat dahil hanggang sa "safe intrigues" lang ang aabutin niya.

Bukod sa kanyang napipintong pag-aaral, excited si Gary sa mga bagong kasunduan nila ng ABS-CBN dahil malaki ang kinalaman ng pagkakaroon ng malaking improvement ng programa, maging ang pagmamalasakit niya sa kanyang mga kasamahang artista. Excited na rin siya sa shooting ng pelikula dahil may katagalan na nga naman nang huli siyang gumawa ng pelikula. — BOY C DE GUIA

vuukle comment

DAHIL

GARY

GARY VALENCIANO

GENESIS ENTERTAINMENT

HEART EVANGELISTA

JOHN ESTRADA-JERICHO ROSALES

MARTIN NIEVERA

MUSIC PRODUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with