^

PSN Showbiz

Franzen, tsinugi sa MUP dahil bastos magtanong sa mga guests

-
Na-curious marahil ang lahat nang malamang nag-two-piece sexy pictorial si teen mommy Valerie Concepcion sa July issue ng FHM Magazine dahil paglabas palang daw ng nabanggit na mag last June 30 sa mga newsstand ay naubos na agad.

Say mismo ng ka-tsika naming staff ng isang convenience store ay malakas nga raw ang benta ng FHM mag dahil nung sinubukan naming bumili sa Murphy at Cubao area ay wala na rin silang kopya.

Tuwang-tuwa naman si Valerie nung malamang malakas nga ang benta ng mag dahil hindi raw niya ini-expect na mabebenta kasi nga alam naman ng lahat ang kaso niya bilang single mom.

In fairness, hindi rin naman talaga pahuhuli ang magandang mommy ni Heather Fiona dahil hindi ito mapagkakamalang nanganak na sa ganda at kinis ng katawan.

Hoping ang alaga ni tita Becky Aguila na thru this mag ay magkaroon siya ng maraming tv at movie projects in the future.

Samantala, kasalukuyang umeere ngayon ang Love to Love Season 11 at support siya kina Ciara Sotto at Paolo Ballesteros.
* * *
Hindi malinaw sa amin kung sino kina Jericho Rosales at John Estrada ang unang gumawa ng move para mag-usap at nagkainitan na during the premiere night ng Superman sa Mall of Asia last week.

Marahil ay gustong alamin ni Echo ang tunay na naging relasyon nina John at ng babaing pakakasalan niya in the near future na ikinairita siguro ng huli.

Last year ay naisulat na may magandang relasyon sina John at Heart at sa katunayan ay nagkita pa ang dalawa sa Burgoo Restaurant sa Podium kung saan ipinakilala ni John kay Heart ang apat niyang anak sa ex-wife niyang si Janice de Belen at giliw na giliw pa nga ang girlfriend ni Jericho sa bunsong si Yuan dahil guwapo at malambing.

At dahil biglang pumutok ang pagkikitang ‘yun ay biglang nagpa-interview si Heart at itinanggi ang isyu same thing with John na umaming very much committed pa rin siya that time kay Vanessa del Bianco (ngayon kaya hindi na?).

After that interviews ay namatay na rin ang isyu.

Di kaya dapat ang girlfriend ng actor na si Heart ang dapat niyang tanungin at kausapin at hindi si John?
* * *
After a year na matsugi si Lui Villaruz sa Magandang Umaga Pilipinas ay heto’t muli siyang ibinalik ng programa bilang kapalit ng ex PBB housemate na si Franzen Fajardo na tsinugi na last week dahil sa pagiging bastos magtanong sa mga featured guest nila sa segment na "Lusob-Bahay".

Ang classic example ng pagiging bastos magtanong ni Franzen na wala sa script ay tinanong niya on cam ang legendary singer na si Rey Valera na since mahaba ang buhok nito ay dati raw bang adik ang naturang singer? Bagama’t hindi naman nagpakita ng pagka-irita si Rey at understood na ng staff ng MUP na nabastusan ang respetadong mang-aawit at kompositor.

At dahil naging maganda naman ang record ni Luis sa two years 0 600 days niya sa Magandang Umaga Pilipinas ay muli siyang ibinalik para sa segment na iniwan ni Franzen.

Say nga ni Lui, "Nagulat na lang ako last week dahil bigla akong tinawagan for this segment, bale ika-apat na araw ko na ngayon (Martes) sa MUP at okey naman kasi minahal ko naman ang programa for two years at sa pagkakaalam ko, 2 days lang ako nag-absent sa show kasi nagkasakit ako." REGGEE BONOAN

vuukle comment

BECKY AGUILA

BURGOO RESTAURANT

CIARA SOTTO

DAHIL

FRANZEN

FRANZEN FAJARDO

HEATHER FIONA

MAGANDANG UMAGA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with