^

PSN Showbiz

Donita, di na napataas ang ratings ng ‘Mobile Kusina’, nagdamay pa ng iba!

-
Supposedly, hindi lang one season si Donita Rose as host ng Mobile Kusina bilang pinchhitter ni Christine Jacob dahil nag-maternity leave ito, pero dahil nag-dive pababa ang ratings ng nabanggit na cooking show ay hanggang isang season na lang ang tisay na host.

Kwento mismo sa amin ng taga-GMA7 ay dismayado ang staff ng programa kay Donita dahil simula raw nung siya ang nag-drive sa malaking van ng Mobile Kusina ay nadiskaril ito dahil nag-single digit sa rating tulad ng 6, 7 o 8% unlike nung si Christine pa na parating two digits tulad ng 11, 12 o 13% sa maagang oras.

Dagdag pa na ito rin daw ang dahilan kung bakit ang mga sumusunod na programa sa Mobile Kusina every Friday ay semplang din sa ratings dahil nga domino effect daw.

At dahil na-preempt namin ang isyung ito, tiyak na ang palulutangin ng Siete ay talagang hanggang one season lang si Donita Rose sa MB. What else is new with GMA7?
* * *
Naisulat kamakailan sa ibang tabloid na may isang mystery guy na nanliligaw kay Vina Morales at weekly itong nagpapadala ng floral arrangement sa ASAP at ang nabanggit na manliligaw ay isang US citizen pero Filipino ito at rich.

Kinumpirma naman ni Vina na truliling nakakatanggap siya ng bulaklak weekly from someone na hindi pa niya nakikita in her entire life at ni hindi nga raw niya kilala kaya naloloka raw siya.

"Ang tiyagang magpadala ng bulaklak at talagang ang lalaki at ang gaganda, mga favorite colors ko pa ang flowers at alam niya kung ano ang paborito ko, huh?  Kaya lang hindi ko siya kilala, so anong gagawin ko?

"Niloloko nga ako nina Zsazsa (Padilla) kasi sila ‘yung nakakakita at hinihingi yung flowers, e, ayoko namang ibigay.

"Sana magpakilala siya at magpakita kasi hindi ko siya talaga ie-entertain kung hindi siya magpakilala," esplika ng aktres na tinaguriang Showgirl.

Ask namin kung totoong nasa P20,000 ang halaga ng floral arrangement at say ni Vina, "Siguro nasa 15 lang, pero sobrang malalaki talaga."

Say namin kung ano naman ang laman ng cards sa bawa’t floral arrangement na dumarating, "Kung anu-ano, para siyang bata, minsan nonsense, parang nagpapa-cute, e, hindi ko na kailangan ng pa-cute ‘no?"

Samantala, as early as today ay ninenerbyos na si Vina dahil August na ang dream concert niyang Showgirl sa Araneta Coliseum. Ayon mismo sa magaling na singer actress ay hinding-hindi magsisisi ang manonood dahil 4 concepts ito, catering to all audiences na hindi dapat palampasin. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

AYON

CHRISTINE JACOB

DAHIL

DONITA ROSE

MOBILE KUSINA

SIYA

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with