^

PSN Showbiz

Donita, 10 taong nag-droga

-
Kung hindi nagamot ni Donita Rose ang kanyang sarili, kung hindi siya naging matagumpay na MTV VJ sa Singapore at ngayon ay pansamantalang namamalagi ng bansa para mag-host ng Mobile Kusina ng GMA7 at kung hindi siya nagkaro’n ng isang successful marriage with husband Erik Villarama and son JP, kasama niyang mababaon na sa lupa ang isang mapait na bahagi ng kanyang buhay, nang siya’y malulong sa ipinagbabawal na gamot!

Yes, ang nakikita nating masaya at nagpapatawang artista ngayon ay nalulong sa droga at bagaman hindi lingid ito sa maraming malapit sa kanya, never niya itong inamin sa publiko. Lihim na lihim ito sa maraming humahanga sa kanya.

I have been Donita’s friends bago pa siya pumasok ng That’s Entertainment. Katunayan, isa ako sa kumumbinsi sa kanya na sumali sa nasabing TV show. Aware din ako sa mga nagaganap sa kanya at kahit mahirap, never kong pinatotohanan ang mga akusasyon sa kanya, hanggang ang katotohanan ay tuluyang makubli.

Saksi rin ako sa magulong love story nila ni Gary Estrada. Bayolente yun. At dahil parehong abala ang kanyang parents, ang kanyang mom sa pagtuturo nito, ang kanyang dad sa opisina nito, ako lamang ang naging saksi sa maraming taon ng kalungkutan at pag-iisa ng batang artistang ito noon. Idagdag mo pa ang sobrang kahigpitan ng kanyang ina kung kaya natuluyan ang pagri-rebelde niya!

Pero, sa sarili niyang determinasyon, at sa tulong ng ilang mga taong nagmalasakit, nagamot niya ang kanyang sarili, nailigtas niya ang sarili sa kapahamakan. Ang mga taong ito, at ang Panginoong Diyos ang naging gabay niya.

Hindi na sikreto ang istorya ni Donita. Sinulat na niya ito at ginawang libro. Kaya naman ngayon lang ako nakakapagsalita ng tungkol dito.

Biruin mo, kung hindi siya nagbago, sayang na sayang siya, wala sanang Donita Rose na maituturing na pride ng local showbiz, di ba Donita? –VIRGIE BALATICO

vuukle comment

BAYOLENTE

BIRUIN

DONITA

DONITA ROSE

ERIK VILLARAMA

GARY ESTRADA

KANYANG

MOBILE KUSINA

PANGINOONG DIYOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with